Chapter Fourteen: Hurricane

3.9K 140 1
                                    

Chapter Fourteen: Hurricane

1   9   9   5

Antonio's  P.O.V

"Huwag mo 'nga ako hawakan, Alex!" sigaw ko sa kapatid ko na pilit na hinahawakan ang manggas ko, mayroon pa naman siyang tsokolate sa kamay.

Sinuway na siya ni Papa at pinunasan ang kamay niya. 

Nasa kotse kami ngayon, papunta kay tita Ellexis, may kukuhanin daw sila Mama na importante kaya kami bibisita, 'di ko 'din alam kung bakit pa kailangan kami isama, sa school daw nila nung bata sila, mas nabubuti daw ako dito sa eskwelahan na ito.

Bumigat, ang kwintas na nasa leeg ko, itong kwintas na 'to ay kulay itim, isang puting buto ang nasa gitna nito, simula nung pinanganak ako nakasuot na daw sa 'kin ito, pero sabi ni Mama na 'wag ko daw hubadin.

Kilala ang pamilya namin sa bayan, dahil nga isa kaming Clayford. Pambubuska lang ang naabutan ko sa mga tao sa bayan, napakahina ko 'daw sabi nila, isa lang akong hangin na lumulutang sa ere.

Hangin. Maraming nag-aakala na isa akong "shape-shifter", ngunit hindi ito totoo, kaya ko lang maging hangin at lumipad sa ere na kasing bilis ng kidlat, akala nilang shape-shifter ako dahil sa hangin na nanggagaling sa 'kin, kaya kong gumawa ng kahit ano gamit ang aking hangin ngunit hindi ito totoo, parang hangin, isang bagay na hindi mo mahahawakan, pero ang sa 'kin ay nakikita.

Hindi ka karapat-dapat maging Clayford!

Napakahina ng kapangyarihan mo!

Wala kang naitutulong sa mga tao!

 Ilan lang yan sa mga pang-tutukso sa akin ng mga mamamayan sa bayan, minsan tinatawag pa akong "walang-kwenta", minsan naririnig ko ang mga bulungan nila sa 'kin, puro mga negatibong salita ang mga sinasabi nila tungkol sa 'kin, kahit saan ako pumunta, paulit-ulit ko yang naririnig.

'Ma babalik ako' binulong ko kay Mama gamit ang hangin na bumabalot sa amin.

Naging hangin ang buo kong katawan at lumipad ako ng napakabilis papunta sa isang maliit na bundok, naging normal na 'rin ang aking katawan. Umupo ako sa tuktok ng burol, mas komportable ako kapag ako lang mag-isa at tahimik. 

Biglang bumigat ang aking paningin.






Sobrang dilim na ng langit ng dumilat ang mga mata ko, agad akong naging hangin at hinanap sila ang kotse namin.



Muntikan na akong mahimatay sa aking nakita, ang sasakyan namin at isa pang sasakyan ang nagbunguan.

"Pa! Ma! Alex! Nandyan pa ba kayo?"

Naging normal ulit ang aking katawan, tiningnan ko ang loob ng kotse ngunit wala na si Alex at si Mama, naroroon pa 'din si Papa, duguan, nakasandal ang ulo niya sa manibela.

Humarap ako sa sasakyan na bumungo kila Papa. Isa itong sasakyan ng isang mamamayan na nangbubuska sa 'kin.

Hinanap ko sila Mama ngunit wala sila sa paligid.


Umilaw ang aking kwintas.


Naglabas ang mga ipo-ipo sa paligid, nasira nito ang mga bahay na nasa gilid ng dalawang sasakyan. 
Nagangatan ang mga puno at lumipad sa ere, isang napakalakas  na alon ang nanggaling sa dagat na nadala ng hangin.

Sa gilid ng aking mga mata, nakita ko ang isang lalaki na nalutang sa 'di kalayuan.

Nilapitan niya ako, napansin ko ang korona na nasa ulo niya, at ang damit niya.


Isa siyang hari.


Inutos niyang sundan ko siya at ginawa ko ang gusto niya.


Sinabi niya sa 'kin na nahanap niya daw ang pinakamadilim na puso sa mundo, at dahil matanda na siya, sinabi niya sa 'kin na ako na daw ang mamumuno sa isang Academy, ang Crypto.

Tinuro niya sa 'kin na dapat wala kang mahalin, wala kang itinuturing na pamilya, para ikaw ang magiging pinakamalakas, wala kang kahinaan, at sinabi niya 'rin sa 'kin na huwag ako mag-bibigay ng awa, at kung sino-man ang humadlang sa akin ay mapaparusahan, ang mga umaapi sa 'kin ay aking gagantihan. Isang responsableng pinuno ang kailangan ng Crypto, hindi isang taong mahina at walang halaga.

Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa akin.


***

@Argamentum

Mystic Academy: The School For The GiftedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon