Chapter 27

183 5 0
                                    

Dahil sa sobrang excited ng anak ni Triana ay maaga ito nagising. Inaabangan niya ang pag dating ni Tyler, sabik ang bata na ma meet ang kanyang ama.

"Mommy, where na po ang dada ko?" Pagtatanong ng anak sa kanya. " Baby excited ka naman, mamaya pa siguro yun early pa masiyado baby." Natatawang sagot nito sa anak, napaka cute kasi nito mag tanong.

Habang nasa kusina si Triana ay may biglang nag doorbell. Papunta palang si Triana sa pinto inunahan na agad pala ito ng anak.

Dumating na pala si Tyler. Maraming bibet na kung ano-ano, hindi rin nito nakalimutan na mag dala ng bulaklak.

Agad naman sinalubong ni Triana si Tyler. " Pasok ka, eto nga pala ang anak ko si Stella Avery Reyes" pag papakilala nito sa asawa.

" Anak ko din si Stella." Nakatitig na ani ni Tyler. Dahil don saglit na napatigil si Triana. Naisip ni Triana, sabagay anak nga pala namin yun. Di naman ako mag isa gumawa non.

"Hi to your dada, Stella." Ang bata naman ay naka titig din sa ama. Manghang-mangha ito dahil sa kamukha niya ang kanyang dada. " Nga pala dada ang tawag niya sayo,"

Tumango na lang si Tyler dahil, Hindi niya alam ang sasabihin ngayong nasa harap niya ang anak na matagal niyang hindi Nakita.

"Hi I'm your dada Tyler." Pagpapakilala nito sa anak.

"I'm glad to meet you po. Papakilala din po kita sa Isa ko pa pong daddy." Dahil sa huling sinabi ng anak ay saglit napa hinto si Tyler.

Nagulat ito dahil nakakasama pala ni Atlas ang anak. Habang siya Hindi niya nakita ng ilang taon. Ngumiti nalang si Tyler upang hindi pahalata na nasaktan ang lalaki.

Matagal na tinanggap ni Tyler na baka karma niya ang mga nangyari sa kanya. Dahil sa Hindi pag sabi ng totoo sa asawa tungkol kay Vanessa.

Habang si Atlas ay never na inopen ang topic sa babaeng dapat papakasalan niya. Masakit sa lalaki na pinagkaitan ito ng tadhana na maging ama. Hindi narin naman siya pinilit ni Triana na ipakilala, dahil alam ng babae na nasaktan ang kaibigan.

Nag-paka daddy nalang si Atlas sa anak ni Triana. Paminsan minsan naman ay dumadalaw ito sa mag ina upang kamustahin, mabuti nalang hindi siya nasusundan noon ni Tyler. At sa tuwing dadating si Atlas ay excited ang anak ni Triana.

Dahil don naisip ni Atlas na ganito din ba ang pakiramdam na may bata na sasalubong sayo. Naiisip palang ni Atlas ay natutuwa na siya.

Ilang beses nag try si Atlas na hanapin si Vanessa, ngunit di talaga ito nag pakita pa muli. Nag sisi si Atlas na pinadudahan niya ang babae. Huli na nang malaman niya na kanya nga ang bata.

Umiiyak non ng nag usap sila ni Vanessa. " A-atlas, I'm pregnant.." noong una tinawanan lamang yun ni Atlas, dahil nga sa bar niya lamang ito nakilala, Malay ba ni Atlas na baka hindi kanya ang bata. Paano kapag may naka talik ito bago siya??
Ayon ang nasa isip ni Atlas that time.

" Baka nag kakamali ka lang V-vanessa. Baka may nauna pa sakin bago ako?" Dahil don sa sinabi ni Atlas ay sinampal niya ito.

Ilang beses nag pumilit padin noon si Vanessa, umabot sa point na arrange pa silang dalawa. Pero pilit naman iyon tinatanggihan ni Atlas na kanya ang bata. Siguro hindi na natiis ni Vanessa kaya nawala ito bigla.

Simula ng pagtabuyan niya ang babae ay nawala ito na parang bula. Tuwing naiisip niya yun pakiramdam niya ay parang gusto nalang niya mawala.

Habang si Tyler naman ay tila takot buhatin ang anak. " Huwag ka kabahan na buhatin si Stella. Hindi yan iiyak kagabi pa yan excited sayo." Umalis nalang si Triana. Dahil naramdaman niyang nahihiya siguro ang asawa sa kanya.

The Revenge Of My Boyfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon