Special Chapter
This Chapter ay tungkol na sa buhay ni Stella, and I planning na once na matapos ko na ang dalawa ko pang On-going ay Stella's story naman ang next ko. And I hope you can enjoy my novel, even na madaming error.
Stella
Noong bata ako nasanay ako na di ko pa nakikita ang daddy ko, kahit bata pa ako noon alam ko na hindi si daddy Atlas ang totoo kong daddy. Kaya noong na meet ko ang aking real dad ay labis ang saya ko noon.
Naging masaya kami noong nabuo kami at nagkaroon pa ako ng dalawang little brother. Ang sumunod sakin parang akala mo big brother kung umasta. Pero it's okay naman to me.
Habang lumilipas ang panahon ay naging mas close ako sa parents ko, I always open to my parents. if may ayaw ako pinapakinggan nila ako, bakit ayaw ko at anong ang dahilan ko.
Sa edad ko ngayon na 24 ay di pa din ako nakabukod ng sariling bahay, kahit kaya ko bumili ng sarili ay ayoko parin, nasanay ako na nasa iisang bahay lang kami.
My mom taught me na dapat maging mabait ako sa mga ka workmates ko, dahil yun daw ang bilin ng lolo ko kay mommy. And I'm glad na tinuruan ako na maging mabait sa kapwa.
Mataas na din naman ang pwesto ko sa aming company, kung tutuusin nga e gusto ng daddy na ako na ang umupo, pero tinanggihan ko muna, dahil feel ko I'm not ready pa for that higher position.
And pumayag naman si daddy sa gusto ko. And last time sa aking pag rereview ng paper ay may employee na kumatok. Pinapasok ko ito at ang taong iyon pala ay bagong empleyado daw.
Nag pakilala ito sakin, Kai Jayden Dawson. Ayon sa aking first impression ko kay Kai is malinis sa katawan, gwapo, and also hot. Diko na iisahin dahil full package na talaga siya.
Diko alam kung talaga nag apply ba ito or baka naligaw lang ng company na pinag applayan. Pinaupo ko ito sa aking harap at binasa ko ang credentials niya. Maayos at may magandang record sa past na work niya good thing.
Nakatitig ang lalaki sakin at tila kinikilatis ako nito, dahil doon ay tinanong ko siya kung ano meron? May dumi ba.
"May problema ba sa mukha ko? May dumi ba?" Sunod-sunod na tanong ko Kay Kai. Umiling ito sa aking tanong nahiya siguro ang lalaki dahil sa napansin ko na nakatitig ito sakin.
"You can start na tomorrow, I doubled check lang naman your credentials." Saad ko dito. Nag lahad ako ng kamay upang magbigay ng appreciation. I expect na meydo magaspang ang kamay nito.
I'm not being judgemental ah, sa mga nakasalamuha ko kasi ganun ang texture ng skin nila. But I'm wrong, ang soft ng kamay ng lalaki, akala mo galing sa pamilyang mayaman.
Inisip ko na baka malinis lang talaga ito sa katawan. And base din kasi sa paglalagay at pagsasalita nito parang lalaki na nagmula sa mayaman ito. Ng umalis ito ay tumawag naman ang mommy na mag family dinner daw at umuwi ang ng maaga.
At tinapos ko naman na ang mga need na papers ni daddy. I'm always na tinatapos on time ang mga naka assign sakin. Di pwedeng tengga, Wala nako sa high school at di pwedeng petiks petiks lang.
Lalo na ako ang papalit for CEO ng aming company. And I want to be like my parents. Ng mag aayos na ako ng gamit ay nag madali naman ako na sumakay ng elevator.
Saktong nasa loob si Kai, hindi pa pala ito naka alis ng company. He greeted me, at ngumiti naman ako pabalik sa lalaki. Pindutin ko na sana ang down button ng magsabay ang kamay namin sa pag pindot.
Awkward para sakin yun. Nahihiyang inalis ko ang kamay ko at nag pasalamat nalang sa lalaki. Ang I smell his perfume, and I think familiar sakin iyon na amoy expensive talaga iyon, pero diko lang tanda, saan ko ba iyon naamoy.
BINABASA MO ANG
The Revenge Of My Boyfriend [Completed]
RomanceTriana & Tyler were happy their relationship back then, unexpectedly a problem came up that would ruin their relationship. A shocking revelation that will put their relationship to the test Triana became suspicious of Tyler, believing him to be the...