Epilogue part 2

5 0 0
                                    

kung ganon....si Cassidrelle ang babaeng pinapahanap ko dati pa?? Ang litratong pinakita ni shantel at ang babaeng nasa panaginip ko ay iisa at ang mga damit nila ay walang pinagkaiba. Si Cassidrelle.... siya ang babaeng gusto kong makita....siya ang babaeng ipinagdasasal ko na makita ulit kahit sa panaginip ko lang.

"I remember something about this dress.... Unang beses na isinuot niya to nasa party kami ng classmate namin. May kukunin  daw siya sa sasakyan niya pero may nakita siyang accidente. Nataranta daw siya, di niya alam ang gagawin niya. Tinulungan niya nga yung lalaking naaksidente pero di naman tumawag ng ambulance kaya siya na mismo ang tumawa nun sa katarantahan niya. Good to know na ok yung lalaki nung naisugod sa hospital. Kaya ayaw niya ng isuot to dahil baka may makita naman siyang maaksidente at matataranta naman siya.... Ilalagay ko yung dress na to sa kabao niya dahil paborito niya to...."

pagkatapos kong marinig ang sinabi ni shantel natigilan kaagad ako. Tugma ang lahat sa panaginip ko, ang alam ko lang naaksidente ako pero di ko alam na may nagligtas saakin. Pero sa panaginip ko dun niya pinaalam na siya ang nagligtas saakin.

All this time nasa harapan ko na pala ang pinapahanap ko at nakakamatay isipin na yung babaeng tumulong sayo upang ma dugtungan ang buhay mo ay ginawa mo namang impyerno ang buhay niya. Im so fvcking unfair!!!

Nang mailagay na ni Shantel ang damit sa ibabaw ng kabao ni Cassidrelle dun ko naman kaagad kinuha. Amoy niya kaagad nag unang nalanghap ko. Bumabalik saakin ang lahat ng nangyari, sumakit ang ulo ko at dun bumalik ang alaala ko kung saan niya ako niligtas.

Flashback~~~

"H-help....." nagmamakaawang sabi ko, di alam kung may nakarinig ba saakin

"h-h-elppp me....." naaksidente ako, nakabangga sa sasakyan na nawalan ng preno.

"Oh my gosh!!!" nakarinig ako ng boses kaya nabuhayan kaagad ako ng loob

"p-please...h-help...."

She opened the door at tinulungan nga ako. I saw her beautiful face with her beautiful white dress. She didn't know what to do kaya tinawag niya yung kaibigan niya at dun na kaagad ako nawalan ng malay.

End of flashback ~~~

Kinuha ko yung dress na yun at dinala sa kwarto namin. Pagkapasok ko nagaagaw ang amoy naming dalawa pero para saakin nangingibabaw ang bango niya lalo na at hawak ko ang white dress niya.

Yakap yakap ko yun habang nakahiga sa sofa kung saan siya palaging natutulog. Puno ng pagsisisi at sakit ang nararamdaman ko. I lost my chance and i will never have one again.

I cried and cried unti i fall asleep. Di lang babae ang umiiyak dahil lahat ng tao umiiyak lalo na kung may kailangang pagsisisihan.

Nagising ako ng yakap mismo ang dress niya. Ngayon na siya ililibing dahil ngayon ang pangalawang araw. Nag hanap ako ng box at doon nilagay ang damit at nilagay ko rin dun ang wedding ring niya dahil ibinigay yun saakin nung nasa morgue na siya.

Naligo muna ako at nagsuot ng white shirt at pantalon bago bumaba dala dala ang box. Nagaayos na sila ng makababa ako.

"Ikaw ang kumuha ng dress??" tanong ni shantel nagtataka kung bakit wala na sa kabao ang dress na inilagay.

Di ako sumagot at ipinakita na lang sakanya yung laman ng box kaya ganon na lang ang paghinga niya na nagpapasalamat na hindi yun nawala.

Isinakay na nila sa kalesa ang kabao ni Cassidrelle habang ako naman ang may hawak ng litrato niya at mas pinili kong mag lakad keysa sumakay sa sasakyan ko. Wala akong pake kahit malayo pa ang libingan dahil ang gusto ko ay ang mag lakad habang nasa unahan ko siya.

Malapit na kami ng mag umpisa ng magtuluan ang mga luha ko at hinahayaan ko lang na umagos yun. Walang pake kung maraming makakakita. Di na ako nag abala pang punasan yun at itinuon na lang ang atensyon sa paglalakad.

Pagkarating dun pinwesto lang nila sa harap ang kabao ni Cassidrelle at inilagay ko naman ang box sa ibabaw nun kasama ang litrato.

Nagsagawa lang sila ng misa atsaka pagpapasalamat sa mga dumalo at dun na sila nag umpisang ilibing si Cassidrelle. Maraming tumayo para umalay ng bulaklak. Si shantel nasa gilid ko pero ngayon di na tahimik ang pag iyak niya dahil rinig na rinig ko at ng lahat ng tao. Yan din ang dahilan kung bakit di ko na mapigilan ang sarili ko at tumayo para sana yakapin ang kabao niya kaso huli na ako dahil wala na talaga....

Iyak lang ako ng iyak sa harapan ng lahat. Pilit nila akong pinapatahan pero di nila magawa. Di ako umiiyak dahil nagluluksa ako. Umiiyak ako dahil nag sisisi ako....dahil huli na ang lahat para saaming dalawa.

Dito na ata mag tatapos ang kwento naming dalawa. Kwentong di pa naguumpisa, natapos na.

I love you Cassidrelle and im sorry......

Twenty One Twenty FiveWhere stories live. Discover now