Kinaumagahan di ko alam kung paano ko igagalaw ang katawan ko dahil sa sobrang sakit neto at namamanhid pa. Walang dale ngayon sa bahay na to dahil simula nung umalis siya kagabi ay di na ito bumalik kaagad. At kung pinahanap niya man yung tatlong maid na pinaalis ko ay wag naman sana.
Pinipilit kong ibangon yung katawan ko, nung una ay di ko kaya pero nung pangalawa binigay ko na yung buong pwersa ko makatayo lang sa hinihigaan ko kaya napangiwi ako sa nararamdamang sakit. Hinay hinay ang bawat galaw ko lalo na sa pagbaba ng hagdan. Parang di ko nga kayanin na makababa eh.
Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng marinig kong may nag doorbell kaya no choice ako dahil kailangan kong indahin yung sakit para makababa lang ng mas mabilis.
Pagkabukas ko ng pintuan bumungad saakin yung apat na matanda. Yun na yata yung ipapalit ko sa tatlong maid namin. Di naman sila matanda mga nasa 40's and 50's yung age nila.
"Ay hala ka maam ano pong nangyari sainyo!! Tulungan ko na po kayong bumalik maam" Gulat na gulat na sabi nung isa sakanila at yung iba naman parang nagaalala.
"Wag na pumasok na lang kayo, kaya ko ho ang sarili ko"
"Sure ka maam??"
"Oo, pakisara ng gate kapag nakapasok na kayo" Di pa yata na kontento sa sagot ko dahil mamimilit pa sana kung hindi lang ako naglakad papasok ulit. Gutom na ako kaya nung pagkapasok nila sinabi ko kaagad na ipagluto nila ako at maglinis na sila ng bahay. Naligo muna ako para tamang tama kapag natapos na yung niluluto nila.
Kitang kita ko sa salamin yung buong katawan ko. Maraming pasa at mga sugat, kita rin ang pumumula ng leeg ko ng dahil sa pagkakasakal saakin. Walang parte ng katawan ko ang walang pasa kaya ganito na lang para kung kumirot ang katawan ko kapag igalaw ko.
Wala man lang akong mapagsumbungan sa nangyari, wala man lang akong kakampi ni hindi ko man lang maipalam kay shantel na malapit na yung kasal ko at ganito yung kalagayan ko. Sa kabila ng maraming seryosong lalaki ang naghahabol saakin napunta lang ako sa walang kwentang arrange marriage na magbibigay saakin ng sakit.
Longsleeve at pajama yung sinuot ko dahil ang pangit tignan kapag kitang kita ang lahat ng mga pasa ko. Sa sobrang puti ng kutis ko kitang kita talaga yung pamumula at yung iba nga nagviviolet na.
Pagkarating ko nakahain na yung mga pagkain na niluto nila at yung iba sakanila nakikita kong naglilinis na rin ng bahay. Habang kumakain pinagdadasal ko na sana di umuwi muna si dale ngayon dahil baka may magawa naman akong mali at mauwi naman sa pambubugbog saakin. Baka sa oras ng kasal ko foundation na lang yung magtatakip ng mga pasa ko.
Inabala ko yung sarili ko kahit wala namang pwedeng pagkaabalahan. Kahit di marunong mag drawing napipilitan na lang mag drawing, kahit di marunong mag linis napipilitan na rin akong mag linis at kahit sintunado kong kumanta ay napipilitan na ring kumanta may magawa lang ako sa buong araw ko.
Di napakinggan ang dasal ko dahil umuwi si dale at talagang may kasama pa.Ewan ko ba parang kumirot yung puso ko nung nakita ko siyang may kasamang mga babae. Nung nakaraan isa, dalawa o tatlo lang yung mga bilang ng babaeng dinadalan niya pero ngayon lima na, oo lima yung mga babaeng dala niya na parang linta kung makakapit sa braso at bewang niya.
Nagtataka nga ako eh kung paano niya napapayag na ipagsabay yung ibang babae sa mga babae niya. Paano niya napilit na isabay sa isang gabi yung limang babae dahil ang alam ko dapat may magagalit nun eh na parang inaakin lang si dale parang ganon, expert na ata siya kaya di na ako magtataka. Ako na lang yata yung maaawa sa babaeng pinapahanap niya, kung sino man yun tsk wag na lang siyang magpakita dahil kawawa lang siya kung sakaling girlfriend siya ni Dale.
"Aba asawa mo yun maam??" nagulat ako kay manang, bigla bigla na lang kasing susulpot at magsasalita
"Hindi po ikakasal pa lang kami"
"Hiwalayan mo na maam, di pa kayo kasal niloloko ka na ng harapan"
"Arrange marriage manang" napa ahh na lang siya sa sinabi ko huli na lang yata ma gets yung sinabi ko
"Nakakaawa ka naman maam. Kaya niyo ho yan maam basta tatagan niyo lang yung loob niyo" Tama siya makakaya ko oras na lakasan ko yung loob ko
"Mahal mo siguro maam kaya di mo rin makakayang iwan. Kita ko po yung mga mata niyo maam, nasasaktan" nasasaktan??as in pain?? Mahal??as in love?? the hell di ako maiinlove sa lalaking yun
"No manang mali po kayo ng iniisip dahil di ko siya mahal at di ako nasasaktan. Magpakasaya siya hanggang sa mamatay siya!!" Tinawanan niya lang yung sagot ko sakanya
"Gusto niyo po bang mag bake maam?? Tuturuan ko po kayo para naman malibang kayo" mabuti naman at nakapagisip siya ng pampaalis sa kabagutan ko
Siya na mismo nag prepare ng mga ingredients at ako lang daw yung maghahalo.
"Maam Unahin niyo po yung dry ingredients maam atsaka i sift po" Sinunod ko naman kaagad yung sinabi niya
"Cassidrelle na lang manang, stop calling me maam"
"Ang ganda naman ng pangalan mo iha, ngayon isunod mo yung itlog atsaka ihalo mo at yung tubig unti unti lang" Sinunod ko yung lahat ng mga sinasabi niya at nung makuha ko na yung tamang consistency ng mga pinaghalo ko binigyan niya ako ng lalagyanan at naka preheat na rin yung oven.
Di niya ako tinulangan dahil nag eenjoy na daw ako sa mga ginagawa ko hanggang sa naluto na at tinikman ko yung gawa ko at sobrang sarap. Pinagsaluhan namin yun sa labas ng bahay at nagkakatuwaan na rin.
Naalala ko nga pala malapit na yung kasal ko. Malapit ng mapalitan ang apelyido ko. Malapit na akong matali ng tuluyan sa demonyong yun.
YOU ARE READING
Twenty One Twenty Five
Novela JuvenilI was twenty one when my parents forced me to marry a twenty Five year old man. Maganda ang buhay ng walang asawa dahil wala kang ibang gagawin kundi ang tuparin ang mga pangarap mo. Gala kahit saan at kahit anong oras nang makakauwi pero lahat na...