Allana
Narito kami ngayon ni Mama sa Boracay upang mamasyal at 'refresh a new start' daw. Ewan ko nga kung anong naisipan ni mama kung ba't kami nag outing today.
Sayang at hindi ako nakasama sa gala nina Catherine kasi gusto ko rin namang samahan si mama para makapag bonding naman kami kase nabusy ako sa school works ko these past few months.
Ibinaling ko ang aking paningin sa paligid. Di ko maiwasang mamangha sa gandang taglay ng Boracay. First time ko lang makapunta rito kaya't susulitin ko na.
Hindi naman kase kami mayaman tulad nina Catherine, Marco, Ellaine, at William. Hindi rin kami mahirap. Sakto lang.
Okay naman na sa amin ang may bubong na masisilungan, masayang pamilya, at may makakain. Masaya na kami roon ni mama.
Habang naglalakad ay may naapakan akong magandang bato at pinulot iyon.
Naisipan kong itapon iyon sa dagat at mag wish."Sana makapasa ako ngayong Grade 12!!" Sigaw ko.
Nakakatawa mang pakinggan, ngunit, pinagdadasal ko talaga iyon. Tinuon ko ang atensiyon ko sa dagat at wala sa sariling napabuntong hininga.
Kaisa-isang anak lang ako ni mommy dahil nakunan daw siya noon after sa akin. Si papa naman, namatay ito sa pag co-construction worker sa pangasinan.
Hindi nabigyan ng hustisya si papa. Sa halip na hustisya ang ibigay, ay binayaran lang kami.
Mabigat sa loob ni mama ang tanggapin iyon ngunit walang nagawa si mama sa kadahilanang house wife siya noon.
Scholar Student ako sa unibersidad kung saan ako nag aaral ngayon. Ang may ari ng unibersidad na iyon ay ang ama ni Derick.
Si Derick ay isang President ng Student Counsil sa school namin. Hindi ko sila gaanong kilala pagkat sina Catherine ang kaibigan neto.
Narito ako sa dalampasigan upang ilibang ang sarili sa sarap ng simoy ng hangin at sa nakikitang mga tanawin.
Sabado ngayon kaya't naisipan daw ni mama na mamasyal kami.
"Hija..."
Naagaw ang aking atensiyon noong tawagin ako ni mama at napaangat ang kaliwang kilay ko nang makitang may kasama itong lalake. Hindi ko ito kilala.
Iniwas ko ang paningin ko roon at ibinaling kay mama.
Nginitian ko ng matamis si mama. "Yes, ma?" Masiglang tanong ko kay mama.
Kumamot si mama sa batok neto at napansin ko ang pamumula ng pisngi neto.
"Eh kase anak.."kinagat neto ang pang ibabang labe,"Siya si Lloyd.."Turo ni mama sa lalake."..boyfriend ko.." Napaawang ang aking bibig sa huling sinabi ni mama.
Nakaramdam naman ako ng kilig dahil simula noong namatay si papa, puro trabaho na ang inaatupag ni mama.
Nakita ko ang kislap sa mga mata nila. Napangiti ako sa kanilang dalawa.
"Ikaw, segurado kabang hindi mo lolokohin si mama?" Baling ko sa boyfriend nito at mataray kong tinanong.
Tumikhim ito.
"Oo. Mahal na mahal ko ang iyong ina at hindi na ako mag papaligoy ligoy pang hindi siya mapasaakin." Saad neto sa seryosong tono.
Tinigtan ko si mama na mas pinamulahan pa ang pisngi. Ang cute pala ni mama pag kinikilig. Ganyan din sila ni papa noon.
Napabuntong hininga ako.
"Tatandaan ko yan. Sa oras na saktan mo si mama, ay maghihiwalay kayo." Diretso ko siyang tinignan sa mata.
BINABASA MO ANG
Starting Over Again #DelMoCo
Romansa[This work is purely fiction-based story] - @2022 "I never thought I would be this crazy inlove with him." - Allana Montenegro Surnames: De Leon, Delos Reyes, Delo Santos, Monteverde, Montero, Montenegro, and Collins. Date started : March 25, 2022 D...