KABANATA 8

21 5 0
                                    

Allana

"Stop it, Kendra!" Napaigtad ako nang makarinig ako na may sumigaw.

Nakapamilyar ako sa boses na iyon ngunit nakalimutan ko kung sino ang may ari ng boses na iyon.

Galing ako sa 7/11 upang bumili ng mochi Ice cream at pagkalabas ko ay ito ang aking nadatnan.

Wala sa sariling sumilip ako kung saan nagmumula ang sigaw na iyon. Hindi ko makita ang mukha ng lalake dahil hindi ko suot ang aking salamin.

Nasa madilim silang parte ng street kaya mas lalo akong mahihirapang makita ang mukha ng mga ito.

"I can't do it." Rinig kong saad ng babae sabay yumuko.

Bahagyang sinabunutan ng lalake ang sariling buhok neto.

"Lumayo ka na kay Catherine! For pette's sake, I don't want her to keep living in her past!" Galit na saad ng lalake.

Mapaklang tumawa ang babae.

"I know! I just can't f-forget for what happened b-between us.. because of that.." The girl's voice cracked."..I've lost her...my bestfriend.." kasabay nun ang mahinang pag hikbi ng babae.

Umangat ang kamay ng lalake sa ere na parang pagsuko at niyakap ang babaeng umiiyak.

"Fuck." Tanging nasabi neto.

"I c-cant.." patuloy pa ring paghikbi nung babae.

"Nagpakalayo layo ako at nagbabakasakaling makalimutan na ni Catherine ang masamang memoryang iyon.." He trailed off.

"I'm s-sorry...I just can't live off my life with guilt.." saad ng babae at kumalas sa yakap.

"And here you are...letting Catherine to go back to her past." mapaklang saad ng lalake.

Ano kaya ang pinag awayan nila? Natanong ko sa aking sarili sabay bumuntong hininga.

Naisipan ko ang mas lumapit pa sa direksiyon nila upang makita ang mukha nung lalake nang may maapakan akong can ng beer na nakakuha ng atensiyon nila.

Doon ko na napag tanto ang mukha ng lalake at sabay takbo palayo sa kanila. Kabado akong umalis mula sa direksiyon ng mga ito.





"Kumain ka na, Hija. Mag ca-canvas kami ni Tito Lloyd mo ng laptop ngayong araw para sa gagamitin mong pang research." Sabay halik ni mama sa aking pisngi.

Kakababa ko lang para kumain.

"Sige po, Ma. Mag iingat po kayo." Gumanti ako sa halik na iginawad ni mama sa akin.

"Salamat anak." Iyon ang huling sinabi ni mama bago umalis.

Iginaya ko ang aking sarili sa hapag kainan at naroon ang inihandang pagkain ni mama.

Naglalagay ako ng kanin nang maalala ang natuklasan ko kagabe. Kung hindi ako nag kakamali, si Calyx ang lalakeng iyon.

At sino ang babaeng yun?

Napasabunot ako sa aking buhok nang maalala ang katangahan ko kagabe.

Itinuloy ko ang pag sandok ng kanin at ulam sa aking pinggan."Antanga tanga mo talaga, Yana.." inis na sermon ko sa aking sarili.

Inis kong sinubo ang pagkain at sinimulan ng mag ligpit at mag ayos para makapunta na sa eskwelahan.

Padabog akong naligo at nag ayos sa aking sarili dahil sa isipang, nakakahiya ang katangahan ko kagabe.

"Ayos ka lang?" Napaigtad ako sa tanong ni Catherine.

Ellaine is absent today kase may pinuntahan sila ng Family niya. Si Marco naman ay nasa SSG meeting.

Starting Over Again #DelMoCoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon