PROLOGO

63 9 7
                                    

ALDRICH WILLIAM

Isang nakakabinging sigaw ang aking natanggap mula sa aking ina kasabay ang pag hatak niya sa akin papasok ng bahay.

Kaagad naman kaming pinagbuksan ng pintuan ng aming giwardiya ng walang alinlangan. Bakas sa mukha ng lahat ang takot at kaba nang malasahang wala sa mood si Mommy.

"Ano, William? Magpapakatanga ka nalang ba para lang sa babaeng yan na Allana?!" Napangiwi ako sa lakas ng boses ni Mommy.


Nagulat ang aming mga kasambahay sa biglaang pag sigaw ni mommy. My mom is angry just because she wants me to follow her plans but unfortunately, I love Allana. I'd do anything to keep her safe.

Mainam kong tinignan ang aking ina. Nanay ko ba talaga to? Para akong nabunutan ng tinik sa bawat pagbigkas niya sa pangalan ni Allana.

"Bakit, mom? Ano ba ang nagawa sa iyo ni Allana na kay tindi ng galit mo sa kaniya?!" Galit kong sagot kay mommy na ikinagulat nito.

Umiling iling ito at ipinagkrus ang kamay. "You really have been devoured by that girl. Good thing Catherine is a decent kid. Not only that, knowing Catherine's background, she's much more suitable to our family's standard."

Hindi nagtatapos doon ang kaniyang ginawa dahil kinuha pa nito ang isang folder at patapong-ibinigay sa akin.

Kinunutan ko siya ng noo at nasalo iyon.

Naghahamong tumawa ng mapakla si Mommy. "Buksan mo yan."

Nang buksan ko iyon ay bumungad ang litrato ni Allana at ng ina nito kung saan ito nag tra-trabaho.

"Hindi ka na nahiya, William? Ano nalang ang sasabihin sayo ng lolo at lola mo?" Maarteng saad ni mommy.

Napakuyom ang kamao ko ngunit hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Pinakiramdaman ko ang aming mga kasambahay na tahimik na nakatayo sa Tabi ni mommy.

Mapakla akong napatawa.

"Kayo ba ang nagmamahal, my? Ba't parang kayo pa ang agrabyado--"

Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay mommy. Nakaramdam ako ng pagkirot sa aking dibdib. Hindi ako si Kuya upang maging pabor sa pamilyang ito. I bitterly laughed under my breath.


"Ganyan na ba kababa ang standards mo? Isipin mo nalang na isa tayong may ari ng ayala mall dito sa Maynila. Nakakadiri ka." Dismayadong napatitig si Mommy sa akin at itinapon ang aking passport sa aking direksyon kasabay ng kaniyang pag alis.

Wala akong nagawa kundi pagak na tumawa at wala sa sariling napaupo sa sahig.

Inalalayan ako ni Manang Rossita.

"Ayos lang ako!" Singhal ko sa kaniya at inilayo ang braso ko sa kamay niya. Pinulot ko rin ang mga nagkalat na litrato sa sahig pati na rin ang aking passport.








Napatitig ako sa picture frame na nasa harapan ko. Mainam kong tinitigan ang larawan na kung saan ay naroon kami nina Marco, Catherine, at ako.

Starting Over Again #DelMoCoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon