Chapter 13 - Meet The Dad

7.9K 183 17
                                    

The General Sica

Tumayo ako sa paanan ng kama mula sa pagkakahiga para ayain si yoona na bumaba na. Dumating na kasi ang father ko at oras na rin para mag'haponan. Ang bilis nga ng oras, ewan ko ba kapag kasama ko itong deer na kasama ko ay diko namamalayan ang oras.

"Halika na..." Sabi ko sakanya bago inilahad ang kamay ko para abotin niya yun pero tumingin lang siya sakin at umupo sa gilid ng kama.

"Hindi ba nakakahiya?..." Sabi niya na hanggang ngayon ay dipa rin nawawala ang pag'kukulay kamatis dahil sa nangyari kanina.

"Ang alin?... Ang ipakilala ka kay dad? Ngayon kapa nahiya? Kung kilan andito kana..." Pag'maang-maangan ko sa tinutukoy niya. Alam ko naman kasing yung nakita ni tiffany ang tinutukoy niya.

"Eeeeh... Sica naman eh!... Hindi yun... Baka iba isipin ni tiffany!..." Parang batang reklamo pa niya.

Hinawakan ko siya sa magkabilaang balikat bago nagsalita,

"Ok lang yun... Trust me... Si tiff pah at saka magugulat ka kapag malaman mo sekreto niya!.." Sabi ko sa kanya bago nginitian...

"Ano naman yun?" Naka'kunot ang nuong nakatingala siya sakin.

"Basta... Diko pwedeng sabihin, gusto kong sa kanya mismo mang'galing...ok!.. Kaya tumayo kana dyan at kakain na tayo..."sabi ko bago siya hinila papuntang pintoan.

"Oh!... Tiff andito kapa pala? Akala ko bumaba kana?" Sabi ko kay tiffany ng mabungaran ko siya sa tabi ng pinto habang nakasandal dun.

Pero bago siya sumagot ay tiningnan muna niya si yoona na nasa tabi kong nag'sisimulang mag'kulay mansanas na naman ang mukha dahil sa tingin ni tiffany na para bang may nalamang nakaka'aliw na sekreto.

"Hinintay ko kayong bumaba para sabay sabay na tayong pumunta ng dining room..." Sagot niya sakin pero kay yoona pa rin nakatingin. Himala nga dahil ang tahimik ng deer sa tabi ko.

"Hey... Relax!... Wala akong nakita ok!" Sabi niya kay yoona na napapitlag dahil sa pag'hawak ni tiffany sa balikat niya.

- - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Oh mga iha... Andyan na pala kayo" bungad samin ni dad pagkapasok namin ng dining room.

"Hi dad..."

"Hi... Tito..."

Bati namin ni tiffany sa daddy ko bago humalik sa pisngi niya.

The Cold and Beautiful One (GxG) [YoonSic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon