Chapter 18 - Pagtatampo ni Yoona

6.7K 162 7
                                    

Jessica

"Kaja!..." Pag'angat ko ng tingin mula sa cellphone na hawak ko ay ang nakangiting mukha ng deer ang nabungaran ko habang nakalahad ang kamay sakin.

Hindi ko yun inabot at Tiningnan ko lang siya dahil naiinis pa rin ako sa sobrang tagal niya.

"Saan kaba nagpupunta? Kanina pa kita hinihintay dito ah! "

"Hmmm!..." Tanging nasabi niya habang kunwari ay nagiisip bago ako tiningnan ng deritso sa mata at nginitian.

"Bakit miss mo na ako agad?..." Pang'aasar niya bago ako sinundot sa tagiliran.

"Eeeehhhh... Miss na niya ako'..." dagdag pa niya habang patuloy sa pagsundot sundot sa magkabilaang tagiliran ko kaya diko napigilang matawa habang pilit hinuhuli ang daliri niya.

"Tama na please diko na kaya..." Pagmamakaawa ko sa kanya, na kanya rin namang sinunod.

Napansin siguro niya na di ako makatayo ng maayos dahil inalalayan niya ako sa braso, pakiramdam ko kasi nawalan na ako ng lakas sa kakatawa.

Nang makatayo na ako ng deritso ay niyakap niya ako ng mahigpit na aking ikinabigla...

"Thank you for coming... Mas lalo akong nainspired dahil nakikita kita habang nagsasayaw..." Sabi niya na di pa rin bumibitaw bagkos ay mas lalo pang humigpit ang yakap niya.

Di ako sumagot, gumanti na lang ako ng yakap sa kanya saka humiwalay pagkatapos ng ilang segundo pero nanatiling magkalapit ang aming katawan.

" pinapatawad kita sa pagkalate mo ngayon pero dina sa susunod..." Sabi ko na lang sa kanya habang nasa magkabilaang balikat pa rin niya ang mga kamay ko dahil di pa rin niya binibitawang ang waist ko.

Ngumiti lang siya sakin habang pinagmamasdan ang mukha ko saka kinuha ang mga kamay ko na nakapatong sa balikat niya at pinagsalikop niya ang kanang kamay ko sa kaliwang kamay niya.

"Tara na!..." Ulit niya sa sinabi niya kanina saka ako hinalikan sa nuo at mahinang hinila palabas ng gym.

"Teka!... Teka!... Saan tayo pupunta?.." Tanong ko sa kanya.

Napatigil siya bigla sa paglalakad bago ako nilingon na parang di makapaniwala sa tanong ko.

"Anong san tayo pupunta akala ko ba may surprise ka sakin?..."

"Meron ba?... Wala akong matandaan na sinabi ko yun..." Kunwaring pagtataka ko sa sinabi niya.

"Nakakainis ka naman eh... Pinaasa mo ako..." Pagrereklamo niya bago binitawan ang kamay ko at naunang maglakad.

"Sandali... Ito naman di mabiro.." Habol ko sa kanya dahil sa bilis niyang maglakad.

The Cold and Beautiful One (GxG) [YoonSic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon