Yoona
" friend, alam mo naba yung balita?"
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa tanong na yun ni min kyung. Nasa hallway kasi kami papuntang class room namin dahil malapit ng mag'start ang klase sa umagang yun.
"Anong balita? " tanong ko sa kanya habang naghihikab at muling naglakad kasabay ang bestfriend ko.
" yung balita tungkol kay kwon yuri yung kaklase natin? " dagdag pa niya.
"Oh! Anong meron kay kwon yuri maliban sa pagiging sexy niya? " bale walang tanong ko, wala naman kasi akong makitang interisante dun.
" kasi friend kalat na kalat na sa google,instagram,facebook,twitter,youtube,wiebo at kung ano pang social media na siya ay may boyfriend na at isang baseball player sa kabilang classroom,ang name daw ay oh seung hwan... Kung di ako nagkakamali "
" May boyfriend lang pala, kala ko - - - - ANo??????? Si Yuri may boyfriend pano na ang yoonyul.?.. " gulat kong tanong sa kanya at hinawakan ko pa siya sa magkabilang balikat sabay yugyog.
"Frieeeeeeeend! Hinay hinay naman magkakawatak'watak nakatawan ko nito sa pagyugyog mo sakin eh!... Bitawan mo nga ako... Nakakahilo kaya at saka anong yoonyul ang pinagsasabi mo?" reklamo pa niya.
" anong yoonyul? May sinabi ba ako? Tsk anyway im happy for them..." Bago nagpatuloy sa paglalakad.
Pagkapasok namin sa classroom ay kokonti pa lang ang estudyanteng dumating kaya hinanap ng paningin ko ang laman ng balita. Makikichismis lang ng konti kasi naman ito ang unang beses na naibalitang may boyfriend ang babaeng yun. Asan kaya yun.
"Bestfriend ayun siya oh!" Turo sakin ni minkyung sa babaeng pilit itinatago ang sarili sa pagitan ng pader at kabinet sa may bandang likoran ng room.
"Hey! Anong ginagawa mo dyan?"
Tanong ko kay yuri bago sinipa ang gilid ng kabinet na kilalagyan ng kung ano'anong files ng teacher."Diba obvious nagtatago!... Kanina pa ako hinahabol ng school news paper dahil sa balita..." Sagot lang niya na di parin umaalis sa pinagtatagoan kaya hinila ko siya palabas.
BINABASA MO ANG
The Cold and Beautiful One (GxG) [YoonSic]
RomancePagkatapat ko sa may gilid ng gate ay huminga muna ako ng malalim para sana pindotin ang doorbell pero diko rin naituloy ng may humablot sa kaliwang balikat ko at pinaharap na lang bigla saka isinandal sa pader bago ko naramdaman ang isang pares ng...