Jessica
"Tagal naman ni manong."
Kanina pa ako naghihintay dito sa loob ng sasakyan sa may parking lot dito sa mall na pinuntahan ko pero wala pa din si manong driver. Makapag'music na nga.
"Hmmm asan naba yung earphone ko? Nandito lang yun kanina sa bag ah!"
San naba yun... Halungkat dito halungkat dun... Paglingon ko sa salamin
O.O...
Nanlaki ang mata ko panu ba naman may babae sa labas ng car sa tapat ng kina uupuan ko. Nagsasalamin ata dahil nag'aapply siya ng lip bulm habang sinisipat ang sarili sa harap ko. Tinted kasi ang salamin ng car kaya akala siguro walang tao sa loob. Pinagmasdan ko ang magaganda niyang mukha hanggang sa mapadako sa kanyang labi grabe parang ang sarap halikan
"ay teka mali mali mali erase erase bat ko naman iisipin yun" sa isip ko
Nakakita lang ako ng maganda ay hindi diyosa pala nagkakaganito na ako. Kaso iba talaga ang ganda niya yung hugis ng mukha,ilong at mga labi sarap pagmasdan ng buong araw. Nawala na sa isip ko yung hinahanap ko gusto kong pagmasdan na lang siya hanggang matapos.
"Ay tekte naman oh patapos na nga!"
Sa pagkataranta ko nabuksan ko ang pinto ng sasakyan ng biglaan at ng dahil dun natamaan ko ata siya bigla na lang kasi napa'upo sa semento pagkatapos mawalan ng balanse.
"Hala !... O.O miss sorry di kita napansin" (pagsisinungaling ko sino ba naman di makakapansin sa ganito kagandang nilalang)
"ok ka lang ba? Kaya mo pa bang tumayo?"
Sunod sunod kong tanong para kasing napalakas yung tulak ko ng pinto ng car tulala kasi habang nakatingin sakin at nakanganga pa. Napangiti tuloy ako ng lihim ang cute kasi niya. Nang di parin siya gumalaw lumuhod ako para makita ang nuo niya para kasing namumula. Nung magkatapat na ang aming mukha
Lub dub lub dub...
"Anu yun bat parang ang bilis ng tibok ng puso ko. Wierd" sa isip ko
Hihipan ko sana nuo niya para medyo mabawasan pamumula ng bigla siyang magsalita
"A-ano gagawin mo?" Nauutal pa niyang sabi
Bahagya pa siyang lumayo ng konti... 3inches apart na lang kasi ang mukha namin...
"Relax di ako nangangagat... Sa ganda kong to" natatawa kong sabi sa kanya
![](https://img.wattpad.com/cover/31070836-288-k707309.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cold and Beautiful One (GxG) [YoonSic]
Roman d'amourPagkatapat ko sa may gilid ng gate ay huminga muna ako ng malalim para sana pindotin ang doorbell pero diko rin naituloy ng may humablot sa kaliwang balikat ko at pinaharap na lang bigla saka isinandal sa pader bago ko naramdaman ang isang pares ng...