Chapter 4 - Coffee Shop Part. 1

11.3K 271 24
                                    

Yoona

     Nandito ako ngayon sa classroom. Tapos na ang klase pero diko magawang lumabas. Hayyy... iniisip ko pa rin kasi si ms. Hot and cold. Ilang araw na simula ng mangyari ang "she bite my tongue" thingy ay dipa rin siya maalis sa isip ko. Diko alam pero pagkatapos ng dalawang beses na pagtatagpo ng landas namin ay diko na kilala sarili ko. Hindi naman ako ganito dati... hayyy diko alam kung anong gagawin ko... kung pano ko siya malalapitan o makausap man lang.

     Every time kasi na makakasalubong ko siya pakiramdam ko umo-urong dila ko. Panu ba naman kasi kapag kakausapin ko na bigla na lang niya akong titigan ng cold stare niya pakiramdam ko tuloy nasa pinakamalamig na bahagi ako ng mundo.

"Aaaaaahhh... bahala siya kung ayaw niya akong kausapin di wag di lang naman siya ang pwede kong maging kaibigan sa mundo. Marami namang iba dyan eh..."

"Pero siya lang gusto ko...." T_T

Jessica

     Andito ako sa office ng coffee shop ko pagkatapos kasi ng klase dito na ako dumiretso. Wala kasing pwedeng gumambala sakin na siya namang gusto ko. Sa totoo lang libangan ko lang talaga ang pagkakaron ng coffee shop... kapag kasi abala ako diko na napapansin ang oras.

     Nakapikit ako habang nakasandal sa swivel chair na kina'uupoan ko. Sinusubokang magkaron ng peace of mind ilang araw na kasing ginugulo ng isang magandang mukha ang isipan ko at hindi rin nakatulong na halos araw araw ko siyang nakikita o kaya'y nakakasalubong sa loob ng campus. Diko alam kong sinasadya ba niya o talagang pinagtatagpo kami ng tadhana.

      Kinuha ko ang earphone ko ng dipa rin siya mawala sa isip ko baka sakaling makatulong ang pakikinig ko ng musika paraan ko na rin kasi ito para makatulog... hirap kasi akong makatulog ng walang naririnig na music ang tenga ko.

Yoona

     Pagkatapos kong magmukmok sa classroom ay napagdesisyonan kung pumunta na lang sa coffe shop malapit sa school kasama ang bestfriend kong si min kyung. Magkababata kami at nagkahiwalay lang nung magtransfer siya sa jung academy. Nauna lang siya sakin dito ng isang taon.

"Back to earth yoona... nakikinig kapa ba? Naririnig mo ba ako o naririnig mo ba ako?"

"Tange! Pareho lang yun eh haha" - sagot ko sakanya may katok talaga ang isang to eh...

"Eh kanina pa ako dito salita ng salita pero parang ang lalim ng sinisisid ng isipan mo? Anu ba yun? Tsk lam mo kasi bestfriend kung ang pinoproblema mo ay kung pano mapapantayan ang ganda kong to... wag muna isipin kasi lamang kana ng isang paligo... kaya kung ako sayo wag kang maligo bokas para pantay na ang ganda natin haha"

"Sira!..." - sabay hagis ko sa pagmumukha niya yung tissue na napulot ko sa mesa.

"Ang sama best friend... tsk di seriously anu ang iniisip mo? ... hmmm teka wag mo sabihing crush mo na ako... best friend wag naman kasi malaking problema nga iyan..." sabay taas baba ng kilay habang nakapangalumbaba na nakatingin sakin at ngi-ngiti pa ang loko...

"Kasasabi mo lang na siryuso tapos magbibiro ka lang din... at saka pwede ba itigil mo na nga pag'papacute mo dyan...tsk"

"Di naman talaga ako cute eh kasi maganda at cute ako haha"

    Totoo naman talaga yung sinabi niya maganda siya na cute haha ewan hirap explain... basta yun na yun... pero naisip ko lang kung ikokompara nararamdaman ko sakanya at kay ms. Hot and cold ay ibang-iba. Kay min kyung kasi komportable ako at masaya ako kasama siya yun lang pero kapag si ms. Hot and cold halo-halong emosyon napapangiti ako kapag iniisip siya at yung puso ko bumibilis na parang nakikipagsabayan sa mga paru-parong nagliliparan sa tyan ko nung mga oras ng pagkikita namin.

"Oh! Tulala kana naman... naku bestfriend ha malala na yan... gusto mo hatid na kita?" Nakangiti pa niyang tanong sakin

"Ihahatid san?" 0.0?

"Sa mental hospital... tatawag ako ng ambulance ngayon at sasabihin kong may nasisiraan na dito haha" ^_^v

"Loko... ito tissue punasan mo yang bibig mo ang kalat mo kumain... at saka friend alam mo bang ang bibig ang pinapakain hindi ilong tsk... yuck halika nga dito lapit mo mukha mo... tsk kakahiya ka"

     Habang ginagawa ko ng pagpunas sa mukha ng bestfriend ko ay parang may nakatitig sakin kaya nagpalinga'linga ako at di nga ako nagkakamali nakatingin siya sakin..

    Ang taong gumugulo sa isipan ko...

The Cold and Beautiful One (GxG) [YoonSic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon