Chapter 22 - Competition

5.4K 126 9
                                    

Jessica

Nagmamadali akong naglalakad kasama si sunny sa field ng school. Papunta kasi kami sa school auditorium dahil ngayong araw gaganapin ang dance competition. Hindi namin kasama si tiffany dahil wala pang nakaka'alam na dumating na siya lalo na si taeyeon, gusto daw kasi niyang esurprise kaya gustohin man daw niyang pumunta ay hindi pwede dahil ayaw daw niyang masira ang balak niya.

"Sunny... Bilisan mo ngang maglakad next time ka na lang mag'masid sa paligid total wala ka rin namang makikita dahil sa dilim 7pm na oh..." Sabi ko kay sunny dahil parang mababali na ang leeg sa kakatingin sa paligid ng school.

"Saglit ito naman oh... Di tayo mahuhuli okay...kaya relax ka lang dyan..." Sagot niya.

"Hindi kaba nakakita ng school campus para kang ignorante sa ginagawa mo?..." Sabi ko sa kanya saka hinawakan kamay niya para mas mapabilis paglalakad niya.

Malapit na kami sa gate ng auditorium ng may mabangga akong galing sa loob niyon na tila nagmamadali.

"Im sorry..." Sabay naming sambit sa isa't isa sabay yuko.

Sa pagyuko ko may napansin akong nakakuha ng attention ko. A necklace that looks familiar. Kinuha ko yun mula sa lupa saka matamang tiningnan.

"Ah... Miss that's mine... Can you give it to me..." Sabi nung nakabangga ko. Mas matangkad siya sakin ng konti at she had a long black hair and a bangs na umabot hanggang sa itaas ng kilay. Her face is so lovely na tila babasaging crystal. Natulala ako hindi dahil maganda siya kundi dahil sa nararamdaman ko. Why? Bakit parang kilala ko siye,her eyes the way she stare at me at itong pakiramdam na parang gusto ko siyang yakapin dahil kahit ngayon lang kami nagkita ay parang matagal ko na siyang kilala.

"Hey... Miss sorry pero nagmamadali ako can i have it now..." Sabi nung girl sa harap ko kaya natauhan ako mula sa pagmamasid sa kanya.

"Oh!... Im sorry.. Ito oh.. Para kasing pamilyar sakin ang necklace na yan... Kundi ako nagkakamali meron din ako niyan.." Sabi ko sa kanya bago inabot yung necklace.

"Wow... Talaga!... I thought ako lang meron nito... Sabi kasi ng mom pinasadya niya ito for me... Pero mukhang nagkakamali ata siya anyway sorry ulit sa pagkakabangga ko sayo... Bye" sagot niya sakin na akmang aalis na ng pigilan ni sunny sa tabi ko.

The Cold and Beautiful One (GxG) [YoonSic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon