Chapter 29 - Ipaglaban Mo

5.1K 127 11
                                    

Jessica

Sarap ng panaginip ko... Nakahiga daw kami sa lilim ng puno ni yoona... Habang magkayakap na pinapanuod ang maaliwalas na kalangitan...

"Hmmm..." Mas lalo ko pang siniksik ang mukha ko sa bandang tagiliran ng tyan niya. Ang bango bango talaga niya. Sa isip ko habang inaamoy-amoy siya.

"Hahaha... Sica nakikiliti ako..." Natatawang sabi ng deer sakin pero diko pa rin pinakinggan at mas lalo kong pinag'igihan ang ginagawa ko.

"Hahaha... Sica gising na... Tanghali na oh!"

Bakit niya ako ginigising diba magkasama kami sa panaginip ko...

"Gising na... Sica! Sige ka pag'dika bumangon bubuhatin kita sa banyo..."

Sukat sa sinabi niya ay bigla akong napabalikwas ng bangon at gulat napatingin sa kanya.

"You're here!... Totoo ka?" Di makapaniwalang sabi ko sa kanya sabay pindot sa pisngi niya.

"Raaaawr!!!" Pang'gugulat niya sakin kaya paatras akong nahulog sa kama.

Booogsh!!!!....

"Ouch!..." Daing ko habang himas himas ang di gaanong nasaktan na likoran.

"You okay?..." Nakadungaw mula sa kama na tanong niya habang ngingiti'ngiting nakatingin sakin.

Sasagot sana ako ng biglang bumokas ang pinto kaya napabaling ang tingin ko dun habang ang kasama ko ay patuloy na nakatingin lang sakin.

"Ate... Ok ka lang?... Papadaan pa lang ako sa tapat ng kwarto mo ng marinig ko ang malakas na kalabog sa labas"

Tuloy tuloy na sabi ni krystal sakin na di napansin ang kasama ko.

"Yoon..." Sambit niya sa pangalan ng kasama ko na tila sinisigurado kung siya ba talaga yun.

"Hi krys!..." Wala sa sariling bati ni yoona na dipa rin nawawala ang tingin sakin habang nakangiti parin na agad ring nawala ng mag'sink in sa isip kung sino ang binati.

Yoona

"Krys?... Krystal ikaw nga..." Di makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya.

"What are you doing here? Dinadalaw niyo si tiffany? Kasama mo ba si taeyeon,si seohyun o baka naman si hyoyeon?..."

The Cold and Beautiful One (GxG) [YoonSic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon