Chapter 25 - Sweet

6.5K 152 5
                                    

Yoona

"Sino tinitingnan mo dyan? Kanina kapa lingon ng lingon... Baka mabali na leeg mo niyan..." Sabi ko kay min kyung na kanina pa tingin ng tingin sa kanang bahagi ko.

"Huh? Wala ah... May tinitingnan ba ako?..." Sagot niya sakin pero lampas lampas naman ang tingin.

"Wala daw eh... Bakit lampas lampas ang tingin mo?..." Di naniniwalang sagot ko bago lumingon sa kanan ko. Kumunot ang noo ko ng wala naman akong mapansin na kakaiba maliban kay min joon na parang nagpipigil ng ngiti. Anong nangyari dun, ngayon ko lang ata yan nakitang ngumingiti ng mag'isa. Sa isip ko sabay ayos ng upo baka mapagalitan pa ako ng guro.

"Ako may alam ako... Pero diko sasabihin... Hehe" sabat ni yuri na bahagya pang nakalean mula sa likod saka tiningnan si min kyung at umayos na rin ng upo.

Napakunot'noo ako sa narinig saka tiningnan si min kyung na parang namumula pa.

"Best mag'uusap tayo maya pagkatapos ng klase..." Sabi ko na lang sa kanya na nagpalunok sa kanya.

Isang linggo na mahigit simula nung event at maayos na rin ulit akong nakakalad. We won the first place and hyoyeon won the contest pero kahit na nagkaganun paman masaya pa rin ako dahil kaibigan ko ang nanalo at saka magaling naman talaga siya eh.

-----------------------------------------------

"Halika na... Mag'uusap tayo..." Sabi ko kay min kyung sabay hila sa kanya palabas ng classroom hanggang sa dulo ng hallway at pumasok sa loob ng comfort room.

"Ano?..." Tanong niya sakin na para bang kinikilig dahil sa kung anong naaalalang bagay.

"Malala kana..." Sabi ko sa kanya.

"Masama naba ngumiti ngayon...?" Sagot niya sakin na nagpout pa sa harap ko saka sumandal sa lababo.

Nilapitan ko siya saka nilapat ang magkabilang kamay sa magkabilaang gilid niya saka siya tinitigan sa mata.

"Now tell me... Anong meron sa inyo ni min joon?... Napansin ko kasi na kagaya ka rin niya kanina... Nakangiti ng mag'isa na para bang may inaaalalang kung anong bagay..."

"Aaahh...bestfriend wag masyadong malapit..." Sagot na lang niya bago nilagay sa noo ko ang dulo ng daliri niya bago tinulak ng konti ulo ko kaya napatayo ako ng deritso pero diko pa rin siya hinayaang makaiwas hinawakan ko na lang siya sa magkabilaang balikat.

The Cold and Beautiful One (GxG) [YoonSic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon