Prologue

275 15 0
                                    

Nagising ako ng narinig ko ang mga sigaw sa labas ng aming classroom. Tiyak akong mga kababaihan lang iyon na naghaharutan sa daan kung kaya't ang ingay nila.

Gising man ang aking diwa ay 'di ko pa rin ibinangon ang aking ulo na nakapatong sa aking lamesa.

Maya-maya ay rinig ko ang mga ungol at pagsinghapan ng ilan sa mga kaklase ko. 'Tang ina, nanonood ba sila ng kababuyan sa gitna ng diskusyon ng aming guro? Mga hangal at walang kwentang estudyante. At isa na rin ako sa mga iyon.

Maya-maya'y malalakas na kalabog sa pinto na mas ikinainis ko. Ano bang problema ng mga taong ito!?

Nang ibinangon ko ang aking ulo at tinignan ang ibang kaklase ko ay nakita ko silang lahat na nasa mga sulok ng aming classroom at takot natakot habang nakatingin sa bintanang bukas.

Ano na naman ang mga trip ng mga ito? Nilingon ko ang bintana ngunit wala naman akong nakitang kung ano maliban sa mga estudyanteng paika-ika kung maglakad.

Teka, anong nangyayari?

Napatayo ako ng marahas na nakagawa ng malakas na ingay, kung kaya't napalingon sa direksyon ng aming classroom ang dalawang estudyanteng naka-make-up? Ba't pang-zombie ang outfit nila at may dugo pa sila sa mga mukha nila.

Ba't ang advance naman 'ata ng Halloween?

Swerte nga lang at may mga grills ang bintana ng classroom, kundi tiyak akong makakapasok sila dito.

Marahan akong tumayo at lumapit sa mga ito. Ngunit bago pa ako tuluyang nakalapit sa mga ito ay may tumulak sa akin papunta roon sa dalawang zombie na nagdahilan para mahawakan nila ako sa magkabilang kamay at kinagat.

➖➖➖

Napabalikwas ako ng magising ako sa isang panaginip. Parang... Parang totoo iyon lahat. Kinapa-kapa ko ang aking katawan at napagtantong maayos at kumpleto ang buong parte ng aking katawan.

Hmm... What a weird dream.

➖➖➖

Code's Note!

So heto na nga ang Book II ng Zombie Apocalypse in Philippines!

New characters!
New places!
New inventions!
More actions!
And more surprises.

I know na medyo napangitan at naboringan kayo sa ending ng Book I ng ZAIP, pero babawi ako.

Pero, may kaagaw siya ng time, 'yung Child's Game. So, wala pa akong right and permanent schedule kung kailan a-update but, I'll make sure na mag-eenjoy kayo sa Book II na ito!

By the way, the invention I mentioned in this story we're trully ours, inimbento po namin ito ng isang kaibigan ko na mahilig rin sa survival thingy.

And please, 'wag n'yong akuhin na inyo ito. You're free to copy (the inventions) but don't admit it as yours.

Well, may iba namang basic inventions na napulot ko sa mga lifehacks at mayroon namang ibang mga inventions na talaga namang nakakamangha na nakuha ko sa ibang stories na nabasa ko, credits to the rightful owner.

Now, enough with the chitchats, the zombies are coming!

Age Of Putrefy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon