ELEVEN

»Aero's POV«

"HAHAHAHAHAHAHAHAA--HAHAHA--HAHA--HAHAHUHU--HUHUHUHU--HUHU"

Okay, now what?

Kanina tawa sya ng tawa, tapos ngayon umiiyak na sya? Problema neto?

"Ah, miss.. Are you okay?" lumapit ako sakanya atsaka sya hinawakan sa magkabilang balikat.

Tuloy lang sya sa pag-iyak hanggang sa napasalampak sya sa sahig.

Medyo madami ang customer sa store that day kaya naman lahat ng tao dun ay sa amin nakatingin. Even the saleslady, hindi na din nakakilos at tumanga nalang sa amin.

"Sorry naaa.." sabi ko sakanya sa pag-aakalang dahil sa panda bear yung iniiyak nya. "Sige na, sayo na yung bear. Wag ka lang umiyak dyan, pinagtitinginan na tayo o." bulong ko pa.

Tangina! Ang gandang babae pero parang bata! Hindi lang napagbigyan sa teddy bear, umiyak na. Tsk!

"Ah-Ey-Aee-ro..!" putol putol na sabi nya tsaka ako niyakap ng mahigpit.

Shit! Ano daw? Hindi ko naintindihan.

Niyakap ko nalang din sya-- kahit nasa state of shock pa ako-- para lang tumahan na.

Tekaa..

Parang..

Parang..

Parang nangyari na to ah?

Deja vu!

Oo tama yun nga! Valentines din yun. 3 years ago with Feb.14. Diba? Tama kaya ako na sya nga ang babaeng to?

February 14 (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon