TWO

Paglabas ko ng store..

"Girlfriend mo?"

Huh?

Tumingin ako dun sa babaeng katabi ko at nagpapalinga-linga sa paligid.

Ako ba kausap nya?

Wala namang ibang malapit na tao bukod saakin.. So, I ended up asking her if I'm the one she's talking with.

"Bakit? May iba pa bang tao dito bukod sa atin?" sarcastic nyang sagot.

Tss.. Sabi ko nga =____=

"What?" tanong nya ulit.
"What?"
"Aren't you listening?"
"Huh?"
"Ugh! I'm asking if she's your girlfriend?"
"Huh? Who?"
"That girl."
"Ohh.. No."
"Then who is she?"
"My sister."
"Okay, good. C'mon" bigla nya kong hinawakan sa kamay at hinila palayo sa store.

Medyo malayo na kami nung may marealize ako.

"Wait., do I know you?"
"NO." tapos itinuloy nya na ang pagkaladkad saakin.

"Sandali.." huminto ulit ako. "Saan mo ba ako dadalhin?" pilit kong hinihila yung kamay ko sakanya.

"Magde-date tayo."
"ANO??!"
"Bingi ka ba? Kailangan paulit-ulit?" kakaladkarin nya sana ulit ako ng hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko.

"Look miss, hindi kita kilala diba? And I'm sure na hindi mo din ako kilala kaya tigilan mo na ang kalokohang to. Kung ayaw mo, maghanap ka ng ibang lalaking willing kang i-date." mahabang sabi ko sakanya na tinawanan nya lang.

"WAHAHAHAHAHAHAHA"

Seriously? What the fuck is wrong with this girl??

Binitiwan nya yung kamay ko para hawakan yung tiyan nyang sumasakit na ata sa katatawa.

Bago ko pa sya masapak, iniwan ko na sya.. pero hindi pa ako tuluyang nakakalayo..

"HOY! Saan ka pupunta? Pagkatapos ng lahat ng nangyari iiwan mo lang ako?.."

Ha? Anong pinagsasabi nya?

Nilingon ko sya para sana patigilin sa pinagsasabi nya. Ngunit nagulat ako sa dami ng taong biglang napalingon at nakinood sa amin.

Yung baliw na babae naman kasi, ayun, nakayuko at nakasalampak sa tiled na sahig ng mall.

More like, para syang batang umiiyak.

"Akala ko ba hindi ka katulad ng ibang lalaki.." she continued, "Diba nangako ka na ako lang mamahalin mo? Tapos ngayon sasabihin mong hindi mo ako kilala? You promised me!"

Holyshit! This girl is making a scene!

February 14 (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon