THIRTEEN

Hindi na ako pumalag matapos nya akong hatakin kanina.

Kung saan-saan nya lang naman ako dinala. Tapos hindi din sya umiimik.

Hindi ko alam kung anong problema nya dahil wala naman akong balak alamin. It's already 9 o'clock na din.

"I'm leaving."

"Huh?"

Now, she's talking.

"9pm na." sabi ko

"Bakit? Papagalitan ka ba ng nanay mo?"

Tangina! Ginawa pa akong bata =_______=

"Diba dapat ako magsabi at magtanong sayo nyan?" iritado kong sagot.

"Hindi naman ako pagagalitan." umiling-iling pa sya. "Halika na nga, dun nalang tayo sa labas nitong mall." at hinila nya ulit ako.

Pero hindi na ako nagpadala.

Nakakatangina na kasi masyado!

"Let go off my hand." matigas kong sabi.

Binitiwan naman nya. Ang bait nya lang, napakamasunirin =____=

Pero wala akong panahon sa kabaitan nya. Ang dami ko ng tanong sa utak na bukod tanging sya lang ang makakasagot at kailangan ko na ang sagot ngayon na mismo.

"I'm going to ask you a question and you're going to answer me in full honesty."

She nodded like a kid. "Okay, what is it?"

Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita,














"Sino ka ba talaga?"

February 14 (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon