FIVE

-WOF-

"Ayun pa! Patamaan mo kasi. Ang tanga tanga mo naman e!" sabay batok nya saakin.

Nasa WOF na kami at kasalukuyang naglalaro ng game na hindi ko alam kung anong tawag. Basta ang mechanics matamaan mo yung maliit na taong lalabas sa hole using the fancy gun. Sa una, mabagal pa. Pero pagdating sa level 6 dun na bumibilis. Pag na headshot mo yung taong yun ng 10 times, panalo ka.

"Aray! Wag mo kong batukan. Kita mong ang bilis na, pano ko pa tatamaan?"

Kada level 8 na marating ko, natatalo ako dahil masyado ng mabilis at hindi ko na matamaan yung tao. 3 lives per 1 token lang at dalawang buhay na ang nawawaldas ko kaya dalawang batok na din ang natatanggap ko sa baliw na sadistang babaeng to na hindi ko alam ang pangalan.

"Tsk! Ako nga," agaw nya dun sa baril barilan na hawak ko. "last life for the win!" sigaw nya and she started playing.

After a couple of minutes..

CONGRATULATIONS! YOU WIN!

Edi sya na magaling  -______-

**

"Oh game, basketball naman. Pataasan tayo ng score."

Tss. Ang yabang makapagyaya, para namang mananalo saken.

"Anong pusta?"

"Mukha kang pera!" sagot nya saakin.

Teka, may sinabi ba kong pera ang pusta? Nagtanong nga ako. Takte! Lakas nya makatanga.

"Tss. Nevermind. Tara game."

Sabay kami naglaglag ng token at.. let the game begin.

Shoot. Shoot. Shoot. Shoot. Shoot.

First five, ha! Wala pa rin akong kupas sa paglalaro.

Shoot. Sablay. Shoot. Sablay. Sablay.

Shit!

Shoot. Shoot. Sablay. Sablay. Sablay.

Teka!

Shoot. Sablay. Sablay. Sablay. Sablay.

*Eeeeenggg*

Tangina!

"WAHAHAHAHHAHAHA! Mas mataas pa ko sa High score! New record!" tuwang-tuwa na sabi nung baliw atsaka tumingin saakin at sa court ko. "Anong score yan?"

"Tss." sabi ko sabay mayabang na ishinoot yung huling bolang hawak ko bago tumunog ang buzzer.

SABLAY. Shit!

"HAHAHAHAHAHAHHAHA"

Bwisit -_________-

**

"Ayun, gusto ko yung panda bear. Kuha mo ko, Aero!" turo nya sa isang booth ng mga stuff toy na huhulugan ng token para makakuha ng toy.

"Gusto mo?"

She nodded.

"Edi ikaw ang kumuha, gusto mo pala."

"Isa!" pinandilatan nya ako ng mata. "Kapag hindi mo ko kinuha, babatukan ulit kita ng solid."

Puta. Seryoso, first time nya bang makapunta sa ganitong lugar? Bakit para syang bata na lahat ng makita, gusto? Tsk! Ibang klase.

Kesa makatikim na naman ng solid na batok mula sa mala panggatong nyang kamay ay sumunod nalang ako. Nakakatamad din naman kasi.

Nag-insert ako ng token.

First try, palpak. Okay lang.

Insert ulit ng token.

Second try, palpak. Ge lang, try ulit.

Laglag ulit ng token.

Third try, palpak na naman.

Badtrip! Bat ang malas ko ata ngayon?

"Aero, ano ba! Last token na yan! Umayos ka na." -sya.

"O, ikaw kumuha!" iritang sabi ko. Hindi sya nakakatulong e.

"Ayoko! Gusto ko ikaw kukuha para saakin."

"Tch."

Sige last try, pag to hindi pa nakuha ibibili ko nalang sya ng stuff toy.

Focus.

Ginalaw ko yung kamay na tagakuha ng toy atsaka tinapat dun sa panda bear na konti lang ang layo sa hole. Nahawakan na kasi to kanina tas parang nananadya na bigla nalang nalaglag kung kelan malapit na sa hole kaya ngayon, magandang pagkakataon para makuha dahil malapit na.

"AYAAAAAAAN!"

"Shit! Ang galing ko! WOOOOH!"

Sabay kaming napatalon at sa bigla ko ay nayakap ko sya.

Bigla ko rin syang binitiwan nung narealize ko yung ginawa ko.

Bat ko sya niyakap? Nahawa na ata ako sa kabaliwan nya.

Humarap ako sa machine at sabay "Oh," abot ko sakanya nung bear.

"WAAAAAAH! Yey!" nagtatalon sa galak na sabi nya pagkaabot nung toy.

Bakit parang wala lang sakanya yung yakap? Bakit ako, nararamdaman ko pa yung parang kuryente sa katawan ko nung niyakap ko sya? Aish! Pati ba naman yun Aero, pinoproblema mo. Wala lang yun.

Tinitigan ko nalang sya habang tuwang-tuwa na yakap yung stuff toy. Ang ganda pala nya. Sayang lang, baliw.

Tumingin sya saakin atsaka ngumiti "Thank you." sabi nya and to my surprised she gave me a smack on my lips then hugged me.

Pakshet!
-
Enjoying my story? Vote and Comment. Don't be shy, I won't eat you XD
#YAN

February 14 (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon