SIX
"AAAAAAAAAAHHH! AHHHHHHH AAAAAAAAAHH! WAAAAAAAAAAAAAAHHHH!"
Halos mabingi ako sa kakatili nya at sa kakatili ng mga tao.
Langya, imba talaga.
Akala ko kanina, mga boring na love story at romance ang panonoorin namin like the usual pero we ended up watching horror movie.
"KYAAAAAAAAHHHH! WAAAAAAAHH! WAAAAAAH! AAAAAAAAAAAAAAHHHHHH! AEROOOO! WAAAAHH!"
Shit!
Nagtakip ako ng tenga atsaka nakisigaw.
Trip ko lang.
Natawa ako nung makita kong nakapikit na si Feb.14.
Yeah, I'm reffering to her.
Yun yung sabi nyang itawag ko sakanya since it's February 14 naman daw. Mas okay daw yun kesa sa VALENTINA, nakakatakot daw pakinggan.
Ewan ko kung bakit ayaw nyang magpakilala at sabihin ang pangalan nya. Mamaya ko nalang sya tatanungin.
Sa ngayon, Tititigan ko nalang muna sya.
Inalis ko yung mga kamay ko sa tenga. Bakit ba ang ganda nya?
Hayyy..
Nakatitig ako sakanya hanggang sa makuha ng atensyon ko ang pagyakap nya ng mahigpit dun sah panda stuff toy na napanalunan namin kanina.
Bigla, parang gusto ko agawin yung panda bear sakanya para ako yung yakapin nya.
Damn you, Aero. What the hell do you think you're thinking?
Baliw yang babaeng yan, baliw! Pero kasi..
Ang ganda nya talaga!
Nahuli nya akong nakatitig sakanya nung bigla syang dumilat.
DUGDUG. DUGDUG. DUGDUG
Another Damn!
Nagkatitigan kami. After mga 5 seconds siguro, she break the eye contact and focused on the movie.
And again, nagsisigaw na naman.
"WAAAAAAHHH! KYAAAAAA! AAAAAHHHHHHHH! AHHHH! WAAAAHH! KYAAAAAAAAHH!"
Parang wala lang.
-McDo-
Pagkatapos namin manuod ng sine, hinila nya na ako dito kasi nagugutom na daw sya.
Nagutom daw sya kakasigaw.
=______=
Parang yung eardrums ko lang, nabasag sa kakasigaw nya.
Mas stand out yung sigaw nya at damang-dama ko kasi nga magkatabi lang kami.
"Anong trip mo kainin?" tanong ko sakanya.
"Ako na bahala sa kakainin ko, ikaw magsabi kung ano iyo." sinukbit nya yung kamay nya sa braso ko, "mamili ka naaa.."
"Tss. Ako na oorder . Hanap ka nalang ng pwesto natin -- o, wag ka ng magreklamo," awat ko nung mapansin kong aangal sya. "Maraming tao ngayon. Dali na. Kotongan kita dyan e."
Nakanguso syang umalis sa pila at humanap ng pwesto pero maya maya ay bumalik sya.
"What?" mahinang tanong ko.
"Don't forget my Choco Sundae and Large Fries, okay?" tapos hinalikan nya ako sa pisngi.
Fuck!
Nakakadalawa na sya ah! Hindi ko pa nga naaalis aa utak ko yung smack nya kanina tapos kiss na naman. Kahit sa cheek lang, tsansing pa rin yun diba?
Diba readers? Diba? Argh!
Damn that girl!
**
Pagkatapos namin kumain at mag "date" niyaya nya ako magikot-ikot sa mall.
After an hour, she decided to go home and said goodbye.
"So.. Thanks for being my date this Valentines. I.. I really enjoyed it." she flashed a smile, "I hope you enjoyed it too." sabi nya.
"Oo naman. First time in history na may idinate akong baliw na sadistang babae."
"Wow ha? Medyo harsh ka noh?"
"Nope, I'm just stating the fact."
"Oo na! Ge, alis na ko. Salamat ulit." tsaka nya ako tinalikuran at lumakad palayo.
"Hoy!" tawag ko sakanya.
Lumingon sya atsaka ako tinaasan ng kilay. "Ano?!"
Kung hindi lang toh nagyaya ng date, iisipin ko tomboy sya. Maangas pa saakin e.
"Sure ka, ayaw mo magpahatid?"
"I'm fine. Salamat nalang. Umuwi ka na din." tapos tinalikuran nya na ulit ako.
I also turned my back. Makauwi nalang.
"Hoy!" narinig ko ang pagtawag nya saakin.
Nilingon ko sya at nakita kong nakangiti sya habang itinaas yung hawak nyang panda stuff toy. "Thanks for this panda bear, Aero Miguel Sandoval. Bye!"
Before I could react, she was gone.
Tekaaa.. How did she..?
Ay, tangina! Hindi ko pa pala natatanong totoo nyang pangalan!