TWELVE


Ayun, iyak lang sya ng iyak habang yakap ko at tuloy sa pagsasalita na hindi ko naman naiintindihan dahil sa kakahikbi nya.

"Miss, gusto mo pag-usapan nalang natin to ng mas maayos." bulong ko sakanya, "Hindi kasi pwedeng ganito lang tay--"

"MOMMMMYYYY! I want this panda bear! Pretty please. Buy it for me, please mommy."

Hindi ko na natuloy yung sinasabi ko ng marinig ko ang sigaw nung bata sa likuran namin at hawak na yung panda bear.

Shit! Paano napunta sa bata yun? Ibinigay ko yun sa saleslady kanina! Paanong..?

Sinamaan ko ng tingin yung saleslady. Halatang natakot sya sa ginawa ko kaya napayuko nalang sya.

'Yari ka saakin mamaya.' sa isip-isip ko.

Dahil badtrip na ako, walang pakundangan akong kumalas ng yakap sa magandang babaeng iyakin na to at aalalayan sana syang tumayo.

But I'm too late. Nakatayo na sya and she's now holding my hand, "Let's go."

Nagpahila nalang ako dala ang katanungang; Saan naman kaya nya ako dadalhin?

***
A/N: Tatapusin ko na to ngayon!

February 14 (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon