EIGHT
2 o'clock ang usapan.
Mag a-alas tres na wala pa din yung pinsan ng kaibigan ni Aeth.
Mukhang hindi na ako sisiputin ng babaeng yun.
Takte! Bakit kasi pumayag payag pa ko.
Since nandito nalang din naman ako, makapaglibot-libot nalang muna.
Sa paglilibot ko, nadaanan ko yung store ng mga teddy bear.
Tsk! Naalala ko na naman sya..
Pumasok ako sa loob ng store.
Wala lang..
"Good Afternoon Sir," nakangiting bati nung saleslady saakin.
Napalitan na pala yung saleslady dito.
"Sir, may promo kami ngayon. Two teddy bears for the price of one. Baka gusto nyo po." sabi nya habang nakasunod saakin.
Unlike the usual, hindi ako naging sarcastic at nabwisit sa saleslady na to.
Instead, tiningnan ko ang stand ng mga bears at lumapit..
Napangiti ako sa nakita ko..
PANDA BEAR..
Biglang nag flashback lahat sa isip ko yung mga nangyari 3yrs. ago.
Si Feb.14..
The so-called "DATE"..
The scene and act we made..
Her weirdness..
Her craziness..
And mostly, her beautiful smile..
DUGDUG. DUGDUG. DUGDUG
Geez! What's wrong with my heart? Bakit ang bilis ng tibok?
Can someone explain what the hell is happening to my heart?
Ring.. Ring..
Natauhan ako nung tumunog yung cellphone ko.
Aeth calling...
"Hello?"
[Kuya, sorry. Hindi na daw makakarating yung pinsan ng kaibigan ko.]
"I know and it's okay."
[You sure, kuya?]
"Yeah."
[Okay, bye. Sorry ulit kuya.]
"Ge." and I hang up.
Binalingan ko ulit yung panda bear.
"Miss," tawag ko sa saleslady. "I'm going to buy this--" hindi ko natuloy yung sinasabi dahil nangilabot ang buong sistema ko ng biglang may isang kamay ang humawak sa kamay ko at inagaw ang teddy bear na hawak ko.
"Excuse me, miss. But this bear is mine." sabi ko sa babaeng nakahawak din sa teddy bear.
Hindi ko sya masyadong makita, bukod kasi sa naka-shades sya--kahit wala namang araw sa loob ng mall-- ay natatakpan din ng mahaba nyang bangs sa gilid ang mukha nya kahit pa naka-pigtail ang medyo curly nyang buhok.
The woman smiled,
She smiled..
Wait,
I know that smile..
Kilalang-kilala ko ang ngiting yun.
Don't tell me..
Nag-alis ng shades ang babae sa harapan ko. "Mister, excuse me din. Pero sa pagkakaalam ko hindi mo pa nababayaran ang bear na ito so you don't have the rights to call it yours." mahabang sabi nya na hindi ko na inintindi.
Hindi agad ako nakapagreact.
I can't believe it.
For three years..
Hindi ako pwedeng magkamali.
"Ikaw?"
