Chapter 6

5.7K 99 2
                                        

"Mommy ang ganda po talaga ng bahay ni stranger! Lalo na po itong room na ito mommy!" Masayang aniya ni Cheysela. It's already night. Kakalabas ko palang sa opisina ni Chase at pumasok sa kwarto ng anak ko.

I just smiled lightly at her. 

Maya maya lang ay pupunta na dito si Chase. Both of us will tell our daughter na siya ang daddy niya. I'm still scared pero nabawasan na iyon ng magkasundo kami ni Chase na mag co-parenting nalang kaming dalawa. 

We don't have any relationship. We're still strangers with memories. Mananatili parin ako sa bahay niya dahil iyon ang gusto ng anak ko. Wala kaming pakialaman sa kung ano mang gagawin ng isa maliban nalang kung damay ang anak ko. He can freely date anyone and I can too. 

"Stranger!" My daughter is now waving her hand at Chase who just entered the room. He smiled at her and sat down sa kabilang side ng bed.

Nasa gitna ang anak namin at nasa magkabilang gilid kami. 

"Anak." I called her and she looked at me. 

"D-diba gusto mo nang makita si daddy mo?" Tanong ko dito. Agad na sumaya ang muka nito ng banggitin ko ang salitang daddy. 

"Why po mommy? You talked to my dad already na po?" Tanong nito sa akin. I slowly nods my head. 

"Yes anak. Yes. I talked to your dad na. Do you... Do you want to see him?" I softly asked her. She nods at me tooo. I looked at Chase at halata ang nag babadyang luha sa mga mata nito. 

"He's your dad anak." I said bago ituro si Chase. My daughter looked shocked at my sudden announcement. Imbis na lumapit kay Chase ay lumapit ang anak ko sa akin at yumakap. 

Tears are now rolling on her soft pinkish cheeks. Chase instantly panicked at that sight kaya kinuha niya ito mula sa akin at ilinagay sa kandungan niya. Cheysela is hugging his father while sobbing loudly habang may mga luha ding tumutulo sa muka ni Chase. 

Pinigilan ko ang luhang tumulo sa muka ko pero hindi ko kaya. 

"Daddy... Y-you're my dad. I have my d-dad." Sambit ng anak ko habang umiiyak. Chase wiped my daughters tears and kissed her forehead. 

"Shh. Stop crying, princess. Your dad is here. Daddy is here and I will never leave you again." Bulong ni Chase dito. 

"P-promise po?" Tanong ni Cheysela at agad namang tumango tango ang tatay nito dito. 

The whole sight was very heart warming. Finally, my daughter gets the family she deserve. Kahit hindi na ako. Ok lang as long as masaya ang anak ko. 

After that, ayaw nang bumitaw ni Cheysela sa ama niya. She's just hugging him so afraid to let him go. Nang matutulog na at nakahiga ay nakayakap parin ito sa ama niya kaya nag alala ako dahil baka hindi sanay si Chase na may kasamang matulog. 

"Anak, let go mo na si daddy. Baka matutulog na din siya." Sabi ko rito but she pouted and shake her head. 

"No. Dad, dito ka nalang po mag sleep sa akin. Ikaw din po mommy. Dito nalang po kayo." Pakiusap nito at mukang papaiyak nanaman. 

"Don't cry. Dad will sleep here hm?" Sambit agad ni Chase at tumango tango naman ang anak ko. 

Nang makita kong mahimbing na ang tulog ni Cheysela ay tumayo na ako. 

"Sige, doon nalang muna ako sa guest room." Sabi ko sakanya. His brows furrowed bago umiling iling. 

"No. Our daughter wanted to sleep with us. Stay here." Sabi ni Chase kaya wala na akong ibang magawa kundi ang humiga nalang din. 

Kinumutan ko na muna ang anak ko at hinalikan sa pisngi bago yumakap dito. 

"Good night, mahal ko." I whispered before dozing to sleep. 

Chasing After The Storm | D'heir Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon