"Hi Cheysela! How are you baby?" Tanong ni Clarisse sa anak ko.
Bumisita sina Clarisse at Ashton ngayon ngayon palang. May dala dala silang mga prutas at si Clarisse naman ay may dalang balloons para kaya Cheysela.
Mag i-isang linggo na rin kami dito sa hospital, under monitoring kasi si Cheysela pero sinabi naman na ng doktor na baka bukas o sa sumunod na araw ay makalabas na ito.
"I'm fine po, tita." Sagot ng anak ko habang may tipid na ngiti sa labi.
After nang pangyayaring iyon, maa naging tahimik na si Cheysela. Hindi na siya madaldal, hindi na rin siya mabilis mapatawa. She'll just give me a small smile then sasabihin niyang "I'll sleep muna mommy" and it breaks my heart.
Kahit wala siyang sinasabi, I know she's having a miserable life right now.
Hindi na rin siya nag tanong pa kung asaan ang daddy niya. At kung mag tatanong man siya, wala rin akong maisasagot. Dahil hindi ko na rin alam kung asaan si Chase. Isang linggo na siyang walang pakiramdam.
Att mas mabuti na iyon dahil balak ko ring umuwi sa probinsya namin sa Bicol. Wala akong balak sabihin ito kahit kanino, kahit kay Valentina.
Ayokong dumagdag pa sa isipin niya. Alam ko ang pinag daanan niya.
"How are you?" Tanong ni Ashton sa akin nang maupo ito sa isa pang sofa set.
"Okay naman." Sagot ko rito.
"If you need someone to talk to, tawagan mo lang ako. Clarisse and I will always be here for you." Saad nito at tumango nalamang ito sa akin.
Nag kwentuhan rin kami ni Clarisse and I can't help but to laugh seeing kung gaano nag papa-baby si Ashton kay Clarisse.
"Babe, dito ka na umupo!" Pag mamaktol ni Ashton kay Clarisse habang naka nguso.
"Anong diyan? Tingnan mo nga yang inuupuan mo! Single seater lang yan, Ashton. Saan ako uupo?" Taas kilay na tanong ni Clarisse pabalik sakanya.
Mahabang sofa kasi ang inuupuan namin ni Clarisse kaya malawak ang espasyo habang single seater lang ang kay Ashton.
"You can seat on my lap." Naka ngusong sabi ni Ashton.
Halos maduwal ako ng makita ang pag akto nito. Kadiri amputa, lason. Parag may sakit sa pag iisip. Nakakaduwal, nakakairita, at mas naiirita ako dahil naalalala ko kung paanong gawin rin iyon ni Chase dati!
"Tito Ashton, you looked like a kid po." Sabi ng anak ko habang may malit na ngiti. Agad akong natawa roon.
Tumikhim si Ashton bago rinolyo ang mata nito.
"Baby naman kasi ako." Sagot nito. Napataas ang kilay namin sa sinabi niya. Ngingisi ngisi naman itong si Ashton habang naka tingin kay Clarisse.
"Baby ni Clarisse." Sabi nito at nag flying kiss pa kay Clarisse.
"Ah akala ko baby damulag." Pambabara ko dito kaya sinamaam ako ng tingin ni Ashton.
"Babe! She's bullying me!" Pag susumbong nito kay Clarisse. Tumawa lang ako dito habang si Clarisse naman ay napa iling iling na lamang.
"Halika na nga! Babalik pa ako sa bahay nila ma'am Valentina!" Saad ni Clarisse kay Ashton kaya agad rin naman itong tumayo.
"Ah Clarisse, kumusta na pala si Valentina?" I asked her. She gave me an assuring smile.
"Ma'am Valentina is fine na. Thankfully, nag bago na talaga si sir Tyler. Hindi niya na sinasaktan si Ma'am." Nakangiting saad nito sa akin. Napangiti rin ako dahil doon.
BINABASA MO ANG
Chasing After The Storm | D'heir Series 2
RomantizmChase Villafranca, known as the playboy of the group have a motto in life saying "Fuck and forget" would never be expected to settle down again. But would the matter still be the same after meeting his ex, Isabela Santa Cruz? But not only that. Beca...
