"Are you sure that you're leaving?"
Napatingin ako sa likod ko nang marinig ang pag pasok ni Chase kasabay ng boses nito. He looked alright but his eyes looks sad and lonely. Napabuntong hininga naman ako bago muling ituon ang atensyon ko sa mga inaayos na gamit ko at ibang gamit ni Cheysela.
"I told you already before, kapag ayos na si Cheysela ay aalis agad kami. Don't worry, hahayaan ko namang makita mo si Cheysela." Sagot ko dito bago umupo sa kama at nag tupi ng mga damit ko.
He walked towards me before he sat down and help me to fold my clothes. He was folding it silently habang sunod sunod ang pag lunok at pag kurap ng mga mata habang naka yuko.
"But you're leaving for the province..." Halos bulong nang sabi nito.
Yes, that was my plan. For me and my daughter to stay at Bicol and free from him. Pero ngayon na nakikitang kong mukang nag kakaayos naman na si Cheysela at Chase ay nag dadalawang isip na ako. Of course, I want the best for my daughter and if she can't leave him for province pwes mag s-stay kami dito sa Manila.
But I can't bare to leave with Chase on the same roof. Not for now.
"Bakit ba ang bagal mo mag tupi? Naka tatlong damit na ako ikaw na panyo lang ang tinutupi halos mag isang oras ka na diyan. Akin na nga!" Sabi ko bago agawin ang panyo mula sakaniya.
Hindi naman ito kumibo at kumuha lang ng panibagong damit ngunit tulad ng dati ay inaagaw ko parin sakaniya dahil ang tagal nitong mag tupi hanggang sa nakita kong ang mga kinukuha na nitong damit ay ang mga nakalagay na sa maleta ko.
"Hoy ginugulo mo lang mga damit ko! Anubayan, doon ka na nga lang sa kwarto mo." Sabi ko.
Hindi parin ito kumibo at nanatili lamang na nakayuko sa akin. Nang mapansin kong hindi ito tumitingin sa akin ay hinawakan ko ang panga nito at kusang pinatingin sa akin. Doon nalang ako nagulat nang para itong bata na umiiyak dahil aalis na ang nanay na ofw.
Namumula ang ilong at tenga nito habang may mga namumuong luha sa mga mata.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko rito.
Hindi ako sinagot nito, imbes ay ipinulupot niya ang dalawang braso sa aking bewang bago ako mahigpit na niyakap. Doon ko nalang din na realize ang mga hikbi nito. Nabasa na din ang damit ko dahil sa iyak nito.
Jusko, bakit ba to umiiyak?!
"Huy bakit ka umiiyak?" Tanong ko rito.
"Please Isabella... Please don't leave me alone here. S-sorry na, I k-know you can't still forgive m-me but I will do my e-everything... Sorry please, I'm sorry... I'm sorry... Don't leave me please..." Pakikiusap nito sa akin dahilan para mapatahimik ako.
"I'm begging you... I'm b-begging you please... Another chance for us, please! Please Isabella! I-I will do everything, I'll s-show it to you!" Dagdag pa nito dahilan para mapabuntong hininga ako.
"Chase you don't understand. I'm not just doing this for me but for us! Can't you see? Palagi nalang tayong nag hahabulan. We always chase after the storm and I'm tired of it. S-Saka gusto ko din munang manirahan sa probinsya para malinawagan ang isip ko." Sagot ko habang marahang hinahaplos ang likod nito.
Tumingin naman ito sa akin na mayroon paring namumuo at tumutulong luha sa pisngi.
"T-Then can I c-come with you too? I-I'm sorry if I'm t-thickfaced but I want to have my family again." Pakikiusap pa nito. Dahan dahan akong napalunok bago umiling rito dahil para mapaiyak ulit ito.
Hinayaan ko nalamang itong umiyak pero isa lang naman ang sigurado ako eh. Ayoko na muna ng kahit na anong relasyon sakaniya. Saka isa pa nakakapagod din ang lahat ng pinagdaanan ko, gusto ko munang mag pahinga pansamantala. Mag relax.
BINABASA MO ANG
Chasing After The Storm | D'heir Series 2
RomanceChase Villafranca, known as the playboy of the group have a motto in life saying "Fuck and forget" would never be expected to settle down again. But would the matter still be the same after meeting his ex, Isabela Santa Cruz? But not only that. Beca...
