A week has passed after that scene on Chase's car at hanggang ngayon ay hindi pa din ito umuuwi dito sa bahay nito. Hinatid niya lamang ako noong gabi at akala ko ay susunod ito sa akin pero hindi dahil pinatakbo niya lamang ang kaniyang sasakyan paalis.
Dahil sa halo halong emosyon noon ay hindi na din ako nag atubili pa na tanungin o i-contact kung saan ito pupunta. Pero ngayon na isang linggo na siyang wala ay hindi ko na maiwasang mag alala.
Bwesit na lalaking yon, saan nanaman kaya yun nag susuot!? Hinahanap siya ng anak namin aba!
"Mommy? Is daddy not home yet? One week na po siya wala, is he really that busy po sa building niya?" Malungkot na tanong sa akin ng anak ko.
Nasa kusina kami ngayon at gumagawa ako ng breakfast ng anak ko. Araw araw, iyon palagi ang sinasabi kong excuse. Malay ko ba kung asaan din yung lalaking iyon at hindi pa din umuuwi.
"Hindi pa siguro tapos ni daddy yung work niya nak eh, ito oh milk. Drink mo na muna po yan ha? I'll try to call your dad." Sabi ko dito at tumango tango nalamang ito.
Pinakiusapan ko na muna ang yaya ni Cheysela na bantayan ito dahil tataas ako sa kwarto namin. Gusto kong tawagan si Chase dahil hindi mapalagay ang loob ko.
HINDI AKO COCERN HA! YUNG ANAK KO YUNG CONCERN!
Pagkatapos ng pinakita niya sa aking emosyon noong gabing iyon, hindi ko na din alam ang mararamdaman ko. Inaamin ko, magpapakatotoo ako, oo mayroon pa akong nararamdaman sakaniya.
Mahal ko pa si Chase
Kasi hindi naman agad iyon nawawala eh. Pero siguro, ayoko na munang magkaroon kami ng relasyon sa isa't isa. Natatakot pa ako. Na baka saktan niya lang ulit ako ganoon na rin si Cheysela.
Napabuntong hininga ako bago ko i-dial ang numero ni Chase. Sa bawat pag ring ng telepono ay siya ring pag pintig ng puso ko. Hindi ko alam, hindi ko maintindihan. At mas lalong kinabahan ako ng sagutin na neto ang telepono.
Walang nag salita sa kabilang linya kaya nag salita na ako.
"Chase, nasaan ka? Isang linggo ka nang hindi umuuwi dito. Hinahanap ka na ni Cheysela."
Yan lamang ang sinabi ko at sinadya ko pa ang kunyaring pagkairita sa boses ko. Wala pa ring sumasagot sa kabilang linya kaya nainis na ako.
"Chase! Ano ba? Mag salita ka nga! Umuwi ka na kako dito at hinahanap ka na ng anak mo." Inis na sabi ko. At maya maya pa ay may nagsalita na ngunit nagulat ako ng boses ng ina ni Chase ang nag salita.
"Hello Isabella?"
Agad akong nahiya dahil napakalambing parin ng boses neto.
"Ah t-tita, hello po. Sorry po, hindi ko po alam na kayo pala ang sumagot." Mahinahong paliwanag ko dito.
"No worries, nauunawaan ko. I'm sorry din kung ako ang sumagot sa tawag mo. Tulog pa kasi si Chase at gabi gabi nalang umiinom."
Sagot nito.
Agad akong nag alala ng sinabi ni tita na gabi gabi nalamang itong umiinom. Ano ba namang lalaking ito!? Gusto niya bang masira yang bituka niya at mamatay ng maaga!? Paano na si Cheysela!?
"Ganoon po ba, sige po. Pwede po bang pakisabi kay Chase na umuwi na siya? Hinahanap na po kasi siya sa akin ni Cheysela. Nag aalala lang po ako para sa anak ko."
"Nauunawaan ko hija. Ah hija, gusto ko lang pala sabihin sayo na... Ayoko namang sumawsaw sa kung ano mang meron kayo kasi alam ko nang malalaki na kayo. Pero hija, kung ano mang problema ninyo sana pag usapan ninyo ng maayos ha? Ayusin ninyo, para sa bata."
BINABASA MO ANG
Chasing After The Storm | D'heir Series 2
RomanceChase Villafranca, known as the playboy of the group have a motto in life saying "Fuck and forget" would never be expected to settle down again. But would the matter still be the same after meeting his ex, Isabela Santa Cruz? But not only that. Beca...
