Matapos ang huling digmaan ay sya namang pagkakaluklok kay Alena upang mangasiwa bilang bagong Reyna ng mga diwata.
Naganap na rin ang muling pagkikita ng mga namayapa nilang mga minamahal na sumama rin sa pagtulong sa digmaang naganap.Muling pagkikita ng mga ivtre.Si hitano ay ivtreng kasama ng mga iba pang ivtre mula sa devas.Ang pagkakasamang muli ng mag inang Lilasari at deshna.Pagbabalik ni muyak,Alira naswen,at iba pa.Ang unang pagkikita ng mag amang gamil at mira.Muling pagbalik ni ariana at dahil sa kanyang mga nagawa ay nabigyan ng pagkakataon na muling maging ivtre si amihan.
Pagiging ganap na bataluman ni cassiopeia,pagkatalo ni ether at ang pagsisilang sa mga bagong ihahanda upang maging pinuno para sa susunod na panahon.At ang nagbabadyang bagong panganib sa mga engkantado.
"Tinatapos ko na ang pagpupulong na ito.Mga kawal, mga dama,lisanin nyo na muna ang punong bulwagan upang malaya kaming makapag usap " utos ni hara alena sa mga ito. Ang natira na lamang sa bulwagan ay ang mga kapatid nya, mga hadiya, si rama ybrahim at ang mga asawa ng kanyang mga kapatid. "Anong pagsasanay naman ang ihahanda natin para sa mga diwani at nga tagapangalaga?" Tanong ng rama ng sapiro.Binaling naman ni alena ang tingin dito at sumagot."si muros ang magsasanay sa kanila sa pakikipaglaban"
"ako naman ang magsasanay sa mga natitirang tagapangalaga sa paggamit ng iba't ibang uri ng sandata" pagsali sa usapan ni danaya.
"Si alena naman sa pagsasanay sa paggamit ng mga likas na kapangyarihan.At ako naman ang magsasanay sa mga tagapangalaga sa paggamit ng mga brilyante at pagtuturo ng iba't ibang praktika sa pakikidigma" Ito naman ang tugon ng hara ng hathoria. "ako naman ang bahala na magturo ng kasaysayan ng encantadia" paglalahad ni imaw sa kanyang gagawin.Napag usapan nila ang mga gagawin nilang pagsasanay para sa mga diwani at mga tagapangalaga.Para kay alena magandang tyempo ito na sanayin ang mga ito dahil nananatili parin namang tahimik ang encantadia matapos maganap ang huling digmaan sa pamumuno ng bunso nyang kapatid na si danaya.Aminin man nya o hindi ay batid nyang wala pa syang gaanong kasanayan sa pagiging reyna kung kaya't kinakabahan sya sa mga maaring maganap sa hinaharap.