CHAPTER 9: TRES AVES

69 5 0
                                    

(still Pirena's POV)

"Ang ruwido! Isang sandata na kinatakutan ang kapangyarihan. Kaya minabuti ng aming mga bathala na hatiin ito sa dalawa't paghiwalayin" pagpapaliwanag ko sa ipinakitang sandata ng balintataw. "Dalawang lugar ang pupuntahan natin?" takang tanong ni Almiro. "Oo" tipid kong sagot dito.

"Ipakita mo sa amin kung saan matatagpuan ang sibat ng ruwido" muli akong nanghingi ng kasagutan sa balintataw ngunit ang pinakita lamang niti at tatlong balahibo. "Isang palaisipan?" takang taka si Anya sa kanyang nakita. Ngunit maging ako ay palaisipan din ang naiisip. "Hindi ba't mahirap yun na kailangan namin yang hanapin? Huwag mong sabihin na kailangan pa naming idipin kung saan namin yan hahanapin?" hindi pa nga kami nag uumpisa ay may reklamo na agad si Anya. "Anya, magtiwala lang tayo. Nasisiguro kong may plano si Sang'gre Pirena" pagpapagaan ni Lawiswis sa usapan. Agad kong ibinaba ang tungkod. "Basta ang mahalaga lang sa akin ay kung paano nito matatalo ang minokawa" sambit ni Pagaspas.

"Sabay sabay nating matutuklasan iyan kapag napagsama na natin ang dalawang bahagi ng sandata. Kaya't kung handa na kayo," pagtugon ko sa sinabi ni Pagaspas. Agad akong pumwesto sa harap ng lagusan upang buksan ito. "Asnamon Voyanazar" sa pagbanggit ko ng mga katagang iyon ay ang pagbubukas ng lagusan. Agad kaming pumasok sa lagusan upang makatawid na sa mundo ng mga tao.

Nang makatawid kami ay sinara ko na ang lagusan at pinakiramdaman ang paligid. Parang may hindi tama. "anong ginawa mo----" rinig kong sabi ni Lawiswis kaya agad ko itong nilingon. At tama nga ako may Ashtading nakasunod.

"Lira! Hindi ba't sabi kong manatili ka sa Encantadia!" napakapasaway talaga kahit kailan. Mukha namang natakot ito base sa itsura nya ngayon. "Hi Ashti" napakasutil talaga ng isang ito.

"Sang'gre Pirena, nakikiusap ako sayo. Hayaan mong sumama sa atin si Lira. Matinding kalaban ang Minokawa, kailangan nating lahat ng tulong" wala naman akong magagawa kung ang hari na si Almiro  na din nila ang humingi ng pabor.
"Mag-uusap tayo pagkatapos ng lahat ng ito" pagbabanta ko sa aking Hadia. Agad akong nauna sa paglalakad.

______________________________________

"Balintataw, ipakita sa amin kung saan matatagpuan ang sibat na makapapaslang sa minokawa" nawa ay mabigyan na kami ng kasagutan at hindi ng palaisipan. Agad itong nagpakita ng isang lugar. Ngunit parang wala naman atang nakakaalam kung saan ito matatagpuan. "May nakakakilala ba sa inyo sa lugar na ito?" mukhang tama nga ako pagkat walang sumagot sa katanungan ni Lira. Kaya't muli akong humingi ng tulong sa tungkod.
"Ipakita sa amin ni Lira kung paano mararating ang tahanang ito." Mabusisi naming tiningnan ni Lira ang kasagutan lalo pa't kami lang ang makakaunawa sa ipinahihiwatig nito. "Okay gets!" sabi naman ni Lira.

"Kamangha-mangha talaga ang kapangyarihan ng mga diwata" napangiti naman ako sa sinabi ni Lawiswis. Syang tunay maging ako'y namamanghari sa mga kakayahan at kapangyarihang taglay namin. "Humawak kayo sa akin" utos ko sa kanila nang sa gayo'y makarating na kami kaagad. "Ikaw rin" pagtawag ko kay malik na hanggang ngayo'y mahina pa din. "Lira" pagtawag ko dito upang tulungan si Malik sa gagawing paglalakbay. "Hindi na ako sasama sa inyo" sambit ni Malik

"malik" pagtawag ng kanilang hari. "Sugatan ako. Makakabagal lamang ako sa inyo. Mauuna na akong bumalik sa Avila. Ibabalita ko nalang sa kanila kung ano ang gagawin ninyo" pagpapaliwanag nito. Mabuti na din siguro iyon upang makapaghanda ang iba sa Avila habang wala pa kami.
"Malik mag-iingat ka" pagpapaalala ni Anya. "Salamat Anya"

"tayo na" pagkuha ko sa atensyon ng mga ito. Sa akin humawak si Almiro at Anya samantalang kay Lira naman nakahawak si pagaspas at lawiswis. Kasalukuyan naming ginagamit ang ivictus nang bigla kaming mawalan ng kontrol kaya lumitaw kami sa himpapawid. Hindi ko magamit ang kapangyarihan ko kaya walang nagawa ang mga mulawin kundi saluhin kami ni Lira.

"Anong nangyari?" tanong ni Lawiswis. Sila ni pagaspas ang umalalay kay Lira. Habang si Almiro at Anya naman sa akin. "Aray! para akong nauntog dun ah" reklamo ni Lira nang makalapag kami. "May pananggala na bumabalot sa lugar.  na ito. Marahil ay malapit na nga tayo sa kinaroroonan ng sandata na itinakda para sa iyo Anya" sabi ko sa mga mulawin. "Pero kung hindi kayo makapapasok" dugtong nito sa aking sinabi.

"subukan muna natin" nagsimula na si Almiro na tingnan ang paligid. "Mukhang wala namang pananggala dito" sabi ni pagaspas at nagsimula nang maglakad. May nadaling tali si Almiro at Pagaspas kaya't nagsimula kaming mabalot sa taling ito. Kaming lahat. "Pashnea" napakahigpit ng nakapulupot na tali sa amin. "Teka, teka wag kayong magulo. Lalong sumisikip eh!" mukhang naiipit na nga si Lira sa kanyang pwesto. Anong gagawin ko???
"kung nasisikipan ka, bakit hindi mo gamitin ang iyong kapangyarihan?" ito naman ang naging tugon ni Anya kay Lira. "Ay ang taray! FYI ah, hindi nakakapag-ivictus ang isang diwata kung nakatali sya, encantadia 101 kaya yun." pagpapaliwanag naman ni Lira.

"Ssheda! Umayos kayong lahat! Kung hindi ay magsasaboy ako ng apoy dito" pagbabanta ko sa mga ito.
"Sang'gre Pirena, kapag ginawa mo iyan, masusunog ang aming balahibo. Ipagpaumanhin mo" nahihirapang sagot ni pagaspas. "Batid ko! Kaya't manahimik kayong lahat upang makapag-isip ako ng paraan at makalaya tayo dito"

"kaya ko kayong pakawalan!" sambit ng mulawing kararating lamang. "Banoy" mahinang sambit ni Lawiswis. "May gusto bang magpaliwanag kung anong pakay nyo dito?" pagtatanong ng mulawing nagngangalang Banoy. "Nandito kami para hanapin ang isang sandata. Isang sibat na kailangan para mabuo ang ruwido" lakas loob na paliwanag ni Almiro.

"Gusto nyong buuin ang Ruwido? Gusto nyong kunin ang sandata? Kung gusto nyo iyan, kailangan nyong dumaan sa apat na pagsubok" pagsasalaysay ng mulawin. "Paumanhin Banoy, ngunit wala kaming panahon upang dumaan sa pagsubokpagtanggi ni Lawiswis. "Itinago namin ang sandata sa ligtas na lugar. Sa bundok ng latukan. Ngayon kailangan nyong dumaan sa pagsasanay bago nyo makuha ang sandata." dugtong pa ni banoy. "Sige, kung wala kaming magagawa, haharapin namin ang mga pagsubok mo" pagsang-ayon ni Almiro dito.

"hindi ba maaaring ituro mo nalang sa amin kung nasaan ang sandata? Nang sagayon ay magamit namin ang aming kapangyarihan upang makuha ito" tanong ko dito pagkat kanina pa nag-iinit ang ulo ko dahil hindi pa din ako makawala dito.
"Makukuha nyo ito. Ngunit kailangan nyo munang dumaan sa amin, sa Tres Aves"

Encantadia: Bagong Yugto Where stories live. Discover now