Pirena's POV
Nang makarating kami sa Avila. Nakita ko na nagtitipon ang isang grupo ng mga mulawin. Tama ba itong gagawin ko?
Parang may pinag-uusapan silang inatake at kung hindi ako nagkakamali sa narinig ko ay si Sandawa ang tinutukoy nito. "Maaaring nakaharao nya ang minokawa. Na syang dahilan kung bakit kami narito." agad naman lumapit saken si Lira habang tinititigan ang mga mulawin. "Parang namumukhaan ko sya ashti. Hindi ko lang alam kung saan." Sabi ni Lira sa akin habang tinuturo ang isang mulawin. "Haring Almiro, nanggaling sila mula sa Encantadia. Kailangan daw nila ang tulong natin."
"Avisala, ako nga pala si Lira. Galing ako sa kaharian ng Lireo at Sapiro! Naniniwala sa kasabihang, birds of the same feather, are the same birds! Oh diba!" pagpapakilala ni Lira sa kanyang sarili. Ako na ang nahihiya sa sitwasyon naming ito. "Kasama ko ang reyna ng mga Hathor, syempre si Asht-----"
"Sang'gre Pirena" sabi ng mulawin na inuusisa ni Lira kanina. "Woah bongga di kailangan ng introduction ah"masyado naman atang natutuwa si Lira baka nakakalimutan nyang may alitan kami ng mga mulawin noon. "Batid kong hindi naging maganda ang uganayan natin noon. Ngunit umaasa ako na hindi magiging hadlang ang ating nakaraan,upang magtulungan tayo sa oras ng pangangailangan." nawa ay matulungan nila kami lalo pa't dito sa mundong ito nagbabadya ang panganib na dala ng minokawa. "Sa aking paglalakbay, marami na rin akong narinig na kwento. Mga alamat, at nalaman ko na si Diyosa Sandawa ang lumaban ang nagkulong sa Minokawa" sagot nang isa na hindi mulawin sa aking palagay ay tao sya. "Wala akong maisip na paraan upang matalo natin ang isang alamat" sagot ng babaeng kulay berde ang balahibo. "Isipin nyo si Banoy, ang tres aves. Tatlo lang sila at walang kapangyarihan. Ngunit natalo nila ang kakilakilabot na bwarka" paliwanag naman ng babaeng mulawin sa aking tabi. Napakahinhin nya at mukhang napakabait. "Nakasagupa ko ang minokawa. Kahit ang tres aves ay hindi ito kakayanin" sagot ko sa tinuran nya.
"Kilala mo ang tres aves ashti?" pag-uusisa ni Lira sa sinabi ko. "Mahabang salaysayin, Lira" tugon ko sa aking hadia. "Kung totoo nga ang sinasabi ni Sang'gre Pirena, nandito na ang minokawa. Wala na tayong pamimilian kundi ang harapin ito." tugon ng mulawin na nakakakilala sa akin. "Ang tanong ngayon ay kung paano?"
"WAH!" pinagtinginan naman naming lahat ang ashtadi sa tabi ko. "Grabe naman kayo. Bawal na bang mapagod? Naambushed kaya kami kanina!" mukhang pagod na din talaga si Lira sa Dami ng ravenang sumugod sa amin kanina.
"mabuti pa'y magpahinga na muna kayo. Maraming bakanteng silid dito sa Avila" sabi ng kanilang haring si Almiro. "Avisala Eshma" pasasalamat ko.