CHAPTER 4: HINAGPIS

126 5 0
                                    

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang lahat sa natuklasan nila. Lalo na ang Hara ng Hathoria na ngayon ay nasa Hathoria. Wala ding ibang nagtatakang magpapasok sa kaharian nito kahit pa may mga matataas na katayuan sa encantadia na nais kausapin si Pirena sa takot na parusahan sila ng Hara ng Apoy.

"Hindi ko lubos na maunawaan kung bakit nangyayari sa akin ito!" Sigaw ng Hara mula sa bulwagan ng hathoria. Maya maya pa ay pumunta ito sa kanyang silid at saka ginawa ang kanyang balak.

Sa Lireo naman ay labis na nag-aalala ang mga sang'gre ang Hara at iba pang mga naninirahan dito dahil alam nila ang kinahihinatnan ng galit ni Pirena. "Labis akong nababahala sa mga naganap ashti"malungkot na sambit ni mira. "Ako nalulungkot ako. Cheater naman pala yang si Kuya Azulan eh. Akala ko pa naman matino. Pero sa totoo lang, kinakabahan ako kasi baka kung ano nanaman ang gawin ni Ashti Pirena."tugon naman ni Lira.

Maya maya ay napatigil ang mga sang'gre sa biglang pagpasok ni Muros. "Pasensya na sa pag-istorbo sa inyong usapan, Hara Alena. Pero mukhang kailangan nyong makita ang nagaganap sa labas." nagtaka naman ang lahat sa sinambit ni Muros. Bakit muros ano ba ang nangyayari sa labas?" Takang tanong ni Danaya sa Mashna.

"Hindi ko din maipaliwanag. Ngunit sa akimg palagay, ang tagapangalaga ng brilyante ng apoy ang may kagagawan nito. Agad na lumabas ang mga sang'gre upang dumungaw at alamin ang nangyayari.

"Sabi ko na nga ba't ganito ang magaganapnapasapo nalang sa kanyang noo si Alena. Akmang aalis na ang mga sang'gre upang hanapin si Pirena nang biglang sumulpot si Ybrahim suot ang kanyang baluti. "Ako na ang maghahanap kay Pirena. May pupuntahan din kami at naisangguni ko na ito kay nuno Kaya hindi nyo na kailangan pang mag-alala" tumango naman ang mga sang'gre bilang pagsang-ayon ngunit si Lira ay hindi maipinta ang mukha. "weird"nasabi nalang nito.

"𝘄𝗲𝗶𝗿𝗱? 𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝘄𝗲𝗶𝗿𝗱 𝗟𝗶𝗿𝗮?"tanong ng Hara nang makaalis na si Ybrahim.  "Ah ano po uhm, Salamat po ang ibig sabihin nun"  napanatag naman si Lira nang makitang mukhang naniwala naman ang mga ito.

Ybrahim's POV

Madilim ang paligid. Nagsisipag-ingay ang mga pashneya dahil sa dilim na bumabalot sa buong lupain ng encantadia. Kaya kailangan ko na talagang mahanap si Pirena. Sa aking paglalakbay sa kagubatan ay may nakita akong isang nilalang napakaputi ng kasuotan nito. Ngunit ang hindi ko mawari ay kung anong pashneya ang kinakausap nito. Masyadong madilim ang paligid kaya't hindi ko itong masyadong makita.

"Rama? Ano ang iyong ginagawa dito?" nagulat naman ako sa pagsulpot ni Pirena sa harapan ko. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa kinaroroonan ng nilalang na iyon kanina ngunit tila naglaho ito nang parang bula. "Rama?" Muling pagtawag sakin ni Pirena.

"Patawad hara, ngunit maaari ko bang malaman kung saan ka magtutungo?" Bakas pa din sa mukha nya ang labis labis na lungkot. "Nais ko lang maghanap ng sagot sa mga katanungan sa aking isipan."
mukhang tama nga ang aking hinala. Kanina sa Lireo ay nagpatulong ako kay nunong Imaw na malaman ang totoong nangyari. Ngunit sa kasamaang palad ay wala itong ibang pinakita kanina kundi ang mismong naganap na komprontasyon kanina. Kaya tinanong ko si nuno kung saan pa maaaring makakuha ng kasagutan at binanggit nya sa akin ang batis ng katotohanan. "Tayo na Pirena. Alam ko kung saan mo makukuha ang kasagutang hinahanap mo." nginitian naman ako ni Pirena bilang tugon. Kasabay ng paglitaw ng mga ngiti na yun ay syang pagliwanag ng paligid hudyat na nawala na ang dilim na dinulot ni Pirena kanina. Agad kaming nagtungo sa lugar na iyon.

Encantadia: Bagong Yugto Where stories live. Discover now