Ybrahim's POVTumawag ako ng argona upang isakay kami papunta Lireo kaso malapit nang sumapit ang gabi kaya sa sapiro ko nalang muna dinala si Pirena. Kanina pa kasi kami sa batis. Hinayaan ko lang syang umiyak nang umiyak kanina kaya nakatulog sa sobrang pagod.
"maica sabihin mo sa mga dama na ipaghanda ng kasuotan at matutulugan si Pirena. Magpadala ka din ng kalatas sa Lireo upang mabatid nilang narito sa Sapiro si Pirena." utos ko kay maica.
Maya maya pa ay tinawag na ako ng mga dama upang sabihin na nakahanda na ang silid ni Pirena. Ako na mismo ang naghatid sa kanya sa kanyang silid at sinabihan ang mga dama na tatawagin ko nalang sila kapag maari nang linisan at bihisan ang hara.'Alam mo itay, minsan napapaisip ako. Si ashti alena ayaw na bumalik sa'yo, si inay naman tegi na tapos si ashti danaya naman may aquil. So bat di mo nalang jowain si Ashti Pirena?' tanong ni Lira. Sinasamahan ko kasi sya dito sa silid nya sa Lireo 'Jowain? Ano ang Jowain Lira?' takang tanong ko dito.
'ang ibig kong sabihin itay, Bakit hindi mo subukan na magmahal ng iba. Bakit hindi nalang si Ashti Pirena?'
"Ano ba itong naiisip ko" bulong ko sa sarili nang maalala ang sinabi sakin ni Lira. Masyado namang komplikado ang sitwasyon para makigulo. Pinagmasdan ko si Pirena. Ganoon padin ang kanyang mga mata. Namumugto padin ang mga ito.
Masyado nang marami ang pinagsamahan namin ni Pirena. Hindi ko lubusang maisip na matapos ang mahabang panahon na pangungulila ko kay Amihan ay hahantong akong muli sa pagkakataon na umibig muli. Alam kong mali sapagkat may asawa si Pirena at magkaibigan kami. Pero ano bang magagawa ko? Aaminin ko na yung pagtulong na ginawa ko kanina, hindi yun dahil magkaibigan kami. Gusto ko lang na tumigil na sya sa pagiging bulag nya para makita nya na maraming iba na pwede nyang mahalin. "Mga dama pakiayusan na ang hara" utos ko sa mga dama pagkalabas ko ng silid. "Hanggang kailan mo ba itatago yang nararamdaman mo Rama?" tanong ni maica sa akin. Sya ang nakakaalam tungkol sa nararamdaman ko. "Hangga't kaya maica."
Lira's POV
"Nakakaloka ang pudrakels ko ah sa sapiro talaga iniuwi si Ashti." komento ko matapos basahin ni Lolo Imaw yung letter galing sa Sapiro. "Lira tama naman ang ginawa ng iyong ama. Pagabi na din at delikado kung sasakay pa sila sa argona pauwi dito." Pagpanig naman ni Ashti Alena sa ama ko. "At saka Lira pagod yung mga iyon natural na mas pipiliin nilang magpahinga agad." dagdag ni Ashti Danaya. Oo na pero di kaya tama yung iniisip ko? Crush siguro ni itay si Ashti.
"Ashti matutulog na po ako. Tulog na din po kasi yung iba" paalam ko sa mga tyahin kong strikto. Buti nga nasa Sapiro yung pinakastrikto. "Sige na Lira matulog ka na" pagbibigay pahintulot ng ashti hara ko. Pumunta na ako sa kwarto ko. As usual may mga nakabuntot nanaman sa aking mga dama. Nang makarating ay humiga na ako kaagad. Kanina pa kasi ako nakapantulog. "Nawa'y makatulog kayo ng maayos, mahal na Sang'gre" nginitian ko ang mga ito bilang sagot kaya lumabas na din sila.