CHAPTER 8: RUWIDO

70 4 0
                                    

Pirena's POV

Pagkabalik na pagkabalik namin sa encantadia ay agad kong dinala si Lira sa Lireo. Paniguradong hinahanap na kami nila Danaya.

"Lira!" pagsalubong ni Ybrahim sa amin. Kararating lang namin sa bulwagan at mukhang may pinag uusapan silang napakahalaga. "Danaya ang sugat ni Lira" pagtawag ko kay danaya upang maagapan agad ang natamong sugat ni Lira. "Anong nangyari kay Lira ina?" takang tanong ni Lira. Kaya ipinaliwanag ko ang mga naganap. Napagsabihan na din nila Alena si Lira. Mabuti siguro kung maiwan nalang dito sa Lira.

"Ano pala ang nga naganap dito habang wala kami?" pagtatanong ko sa mga ito. Baka kasi kailangan din kami rito. "Naglilibot kami sa buong lupain ng encantadia sapagkat may mga ilang sapiryan, diwata,hathor, at mga gunikar na nawawala. Nung isang gabi sa aming paghahanap ay nakita namin ang sinasabing nilalang ni Lira ngunit hindi namin nakita ang mukha nito. Ngunit ang kanyang alagang pashneya ay pawang gawa sa yelo" detalyadong pagsasalaysay ni Alena. Nagpaalam na muna ako sa kanila dahil balak kong puntahan ang mga diwani na kasalukuyang nagsasanay.

"ina!" patakbong lumapit sa akin ang aking bunso. "Kamusta ang pagsasanay? Kamusta kayo ng iyong apwe?" tanong ko sa kanya habang hinahaplos ang kanyang mukha.
"inaalagaan naman po ako ng maayos ni Apwe ina. Ina wala na ba talagang pag-asa na mapatawad mo si Ama?"

"Zafira anak, may mga kasalanan na dapat mong patawarin pero sa nangyari kasi anak, mahihirapan akong magpatawad. Maaari kong patawarin ang iyong ama ngunit hindi pa sa ngayon" pagpapaliwanag ko sa kanya habang hawak ko ang mga pisngi nya. Ginawaran naman ako nito ng isang mahigpit na yakap. Alam kong nauunawaan nila ako at malugod kong ipagpapasalamat iyon. Pinabalik ko na itong muli sa pagsasanay dahil kailangan ko na ding magbalik sa mundo ng mga tao.

"Pirena"

"Ano nanaman ba ang nais mo Azulan? Di mo ba talaga ako titigilan?" heto nannaman ang galit na hindi ko mapigilan. "Kausapin mo naman ako ng maayos" maayos?? Nagpapatawa ba sya? "gusto mong kausapin kita ng maayos? E hindi ka nga marunong makinig at umintindi e" nung nagpaliwanag ba ako't kinausap ko sya nang maayos inintindi nya ba ako? Hindi naman,kaya wala syang karapatan na humingi ng pabor na makipag-usap ako ng maayos.

"Pirena! Ako ay iyo pa ding asawa kaya hindi mo ako pwedeng iwasan" natawa naman ako nang bahagya dahil sa sinabi niya. "Asawa? Huwag kang mag-alala Azulan. Oras na matapos ko na ang misyon ko sa Avila, ako mismo ang hahanap kay Cassiopeia upang ipasawalang bisa ang ating kasal. Nang sa gayon ay malaya akong ipagtabuyan ka rito!"

"Pirena!" pagtawag sakin ni Azulan nang umalis na ako. Akma pa sana ako nitong hahawakan ngunit biglang dumating si Ybrahim at hinarangan si Azulan. "Tama na Azulan. Pabayaan mo na si Pirena. Kung di mo siya kayang irespeto bilang iyong asawa, irespeto mo sya bilang isang Reyna" pagharang ni ybrahim kay Azulan. Wala nang ibang nagawa si Azulan kung hindi umalis nalang. Pagod na akong makipag-usap sa kanya.

    "Salamat Ybrahim" pasasalamat ko sa Rama. "Kamusta pala si Lira? Magaling na ba ang kanyang sugat? Poltre Ybrahim kung napahamak ko ang iyong anak" di ko na talaga dapat pang isama muli si Lira. Lubhang mapanganib ang minokawa maging ang ibang nilalang roon. "Magaling na ang mga sugat ni Lira ngunit sabi nila Danaya ay kailangan munang ipahinga ng aking ang kanyang sarili. Di mo kailangan na humingi ng tawad,Pirena. Si Lira na mismo ang nagsabi na siya ang nagpumilit na sumama sa iyo." Napangiti naman ako sa sinabi nito. Kahit kailan talaga si Lira ang nangangalaga sa akin.
"Ah pirena may nais sana akong itanong sa iyo. Nung natutulog ba tayo sa aking trono ay------" hindi na naituloy ni Ybrahim ang kanyang tanong pagkat naririnig ko na si Lira.
"Ashti! Ready na po ako tara na po!" Sigaw nito habang hinahanap ako.

Encantadia: Bagong Yugto Where stories live. Discover now