Pirena's POV
Patungo ako kela Danaya ngayon. Kasama na daw nila si Nunong Imaw kanina ko pa pinapahanap si Nunong imaw dahil gusto kong malaman kung nasaan ang aking asawa.
"Pirena, ano ang nais mong malaman? Bakit ako ay iyong pinatawag?" pambungad na tanong ni Nunong Imaw sa akin pagkarating ko."Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Nais kong malaman ang kinaroroonan ng aking asawa nuno" mukhang batid na nya na nagmamadali ako kaya't agad nyang ginamit ang kapangyarihan ng balintataw para matugunan ang aking katanungan. "Tungkod ng balintataw ipakita sa amin ang kinaroroonan ng punjabweng si Azulan" naghintay kami ng ilang sandali ngunit walang maipakitang sagot ang tungkod ni Nunong Imaw.
"Mukhang may humaharang sa kapangyarihan ng tungkod ni Lolo Imaw ate Hara Pirena" sambit ni Paopao at mukhang tama sya may kung anong pumipigil sa tungkod na makita kung nasaan ang aking asawa.
Pinasalamatan ko si Nunong Imaw sa pagbibigay ng oras sa kahilingan ko Pagkaalis nito ay tinawag ko na sila Alena ar Danaya upang magpasama pati na din si Lira at Mira. At upang bantayan ang dalawang nakababatang sang'gre ay isinama na din namin si paopao at ybrahim."Kayo na muna bahala dito sa Lireo Muros at maging sa mga diwani" utos ni Alena sa Dalawang Mashna na sina Aquil at Muros. Agad nilang nilisan ang silid. Sa paglabas nila ay napagpasyahan na namin na magpalit ng kasuotan sa pakikipagdalaban at mga panakip para sa paglalakbay. Hahanapin ko ang asawa ko.
Hahanapin kita Azulan.
Azulan's POV
Nasa isang makitid akong daan patungo sa isang kweba sa gitna ng kagubatan. Nilisan ko ang piging kanina dahil alam kong di naman ako pagtutuunan ng pansin ng aking asawa kaya iyon ang pagkakataon upang makita ang isang napakahalagang nilalang sa akin.
"Bakit ngayon ka lamang? Akala ko pa naman ay papasikat pa lamang ang araw ay paparito ka na para mas matagal ang oras na tayo ay magkakasama."bungad nya sa akin sabay gawad ng mahigpit na yakap.
"Poltre mahal ko hindi lamang ako nakatyempo sapagkat kahapon ay nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ng aking asawa"
Hinawakan ko ang kanyang pisngi saka sya hinalikan sa kanyang pisngi. Bagay na di ko na makuhang gawin kay Pirena dahil lagi naman syang wala sa tabi ko! "Hindi rin ako magtatagal mahal ko. Kailangan kong bumalik sapagkat sigurado akong hahanapin ako ng aking asawa at aking mga anak"Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng kanyang mukha tila nainis ata sya nang banggitin ko iyon. "Akala ko ba ako na ang mahal mo Azulan? Bakit kailangan limitado ang oras na magkasama tayo?! Iwanan mo nalang kasi si Pirena! Titigan mo nga ako!" Iniharap nya ang aking mukha sa kanya at kita ko ang bakas ng galit at pagkadismaya sa mga mata nya. "Mahal mo ba talaga ako?" Tuluyan na syang naluha kaya't tinalikuran nya na ako at lumayo ng kaunti mula sa kinatatayuan ko. "Anong bang klaseng tanong yan? Syempre mahal kita"