Naglalakad papuntang punong bulwagan si pirena upang hanapin ang kanyang asawa. Nitong mga nakaraang araw kasi ay halos hindi sila magkita kita dahil sa sobra nyang pagtatrabaho.Ngayon lamang nya muling naasikaso ang mga anak ngunit magpapaalam muli dahil lilibot sila sa mga lugar na malapit sa adamya. "Mahal ko Azulan!"pagtawag nya sa pansin ng kanyang asawa.Agad naman itong lumapit sa kanya upang yapusin at agad na hinalikan ang kanyang noo."Mamaya pa naman ang tapos ng pagsasanay nila mira.Nais mo bang mamasyal tayong dalawa mahak kong hara?" Bumitaw naman si pirena upang sabihin ang kanyang balak na gawin.
"Poltre mahal ko, may gawain pa kasi akong kailangang tapusin" alam kong nawawalan na ako ng oras para sa kanila ngunit hindi ko naman maaaring ipagpaliban ang aking tungkulin bilang isa sa ina ng encantadia.Isa parin akong hara, kahit hindi hara ng lireo ay tungkulin ko paring unahin ang nakakabubuti sa pangkalahatan kesa sa ibang bagay.
"may gawain, hindi pa tapos ang ginagawa, maraming tungkulin? Paano kami ng mga anak mo pirena?Wala ka bang oras na maibibigay para samin?!"Gaya ng inaasahan ay mauuwi ito sa pagtatalo. "Batid mo na marami akong kailangang isakripisyo azulan!"
"At kasama na kaming pamilya mo?" Alam kong nasasaktan sya dahil wala na akong panahon para sa kanila ngunit oras na makumpleto na ang pagsasaayos namin sa mga lupain ay wala nang dahilan upang hindi ko sila bigyan ng atensyon. "maaari bang wag na muna nating pag usapan toh? Inuulit ko azulan isa akong hara at marami akong kailangang gawin"agad ko naman syang iniwanan bago pa lumaki ang sigalot sa pagitan namin.
Kung kaya't ayaw ko rin na maging rama pa sya sapagkat alam kong ganito ang mangyayare.Maaaring mawalan ng oras para sa pamilya.Mas mabuti nang may isang gagabay sa aming mga anak kaysa parehas kaming walang oras para sa kanila.
Sa pag alis ni pirena ay syang paglisan din ng nagtatagong pashnea na nagnanatyag sa lireo.
Sa isang malayong lupain ay nagtungo ang isang pashnea upang mag ulat sa kanyang panginoon patungkol sa nga nangyayari sa Lireo. Nakamamangha ang pashneyang ito sapagkat ito ay may kakayahang makapagsalita katulad ng mga engkantado. "Tahimik ang lireo sapagkat subsob sa kanilang mga trabaho ang hara nito at mga pinunong kasapi ng Lireo.Patuloy na nagsasanay ang tatlong natitirang tagapangalaga at ang mga diwani.At kanina lamang bago ako umalis sa aking pagmamatyag ay nakita ko pa kung paano nakipagtalo ang hara ng hathoria sa kanyang walang kwentang asawa."
napangisi naman kaagad ang panginoon ng pashneyang ito."Kaawa awang nilalang. Nais kong mangalap ka ng mga kaalaman patungkol sa mga kapangyarihang taglay ng mga diwatang iyan maging ng kanilang mga kapanalig.Lilibot muna ako sa ibang lugar sa encantadia upang tumingin ng mga maaari kong maging kapanalig."
Humanda ka magandang lupain ng encantadia.Pagkat ako naman ang magdadala ng delubyo sa inyo.
A/N: oh maiksi muna to ah saka nalang damihan pagmasipag na ako charizzz