Dumaan ang mga araw ay pilit pa ring iniiwasan ni Pirena si Azulan. Bumalik sya sa Hathoria upang ito naman ang isaayos. Mula sa pagsasaayos ng mga Parte ng kaharian hanggang sa mga kasuotan. Binigyan din ni Pirena ng sapat na liwanag ang bawat parte ng kanyang palasyo upang di nito maging katulad ang Hathoria noon na nilalamon na ng kadiliman.
Maya maya pa ay may narinig si Pirena na malakas na tunog parang malaking pashneya. Kaya agad syang nagtungo sa labas at naabutang inaatake nito ang kanyang mga kawal.
"Pashneya!" agad nyang inatake ang malaking ibon.
"tila hindi mo kilala ang iyong kinalalaban,borona. Hindi ako makakapayag na dalhin mo pa sa ibang lupain ang iyong pamiminsala" muling umatake ang borona bago tumakas at lumipad nang napakataas. "Bumalik ka dito!Ashtadi!" Agad nitong ibinuka ang palad."brilyante ng apoy, hindi maaaring takasan tayo ng ibon na iyon" pinanood ni Pirena kung saan tutungo ang borona hanggang sa may lagusan na lumitaw sa himpapawid."isang lagusan?" sa lagusan na iyon tumungo ang borona hanggang sa makatakas na ito't mawala sa paningin ni Pirena. "Lagusan patungo sa mundo ng mga tao"
______________________________________
Lira's POV
Mag-isa ako ngayon dito sa Lireo paano nasa Sapiro silang lahat. Pero ok lang atleast walang iistorbo saken. Pero pansin ko lang matagal-tagal na ding hindi napunta si Ashti Pirena dito sa Lireo. Mga broken nga naman.
Inilabas ko muna ang Phone ko para makapagselfie since kakatapos ko lang naman magsanay."Lira!Nasaan sina Alena't Danaya?" nagulat naman ako dito kay Ashti. Himala biglang bumalik. "Ah nasa Sapiro po sila. May pagpupulong po sila nila--- nila itay. Nandoon nga po si Mira e" sagot ko namn dito
"tanakreshna!"
"Ashti bakit po kayo highblood? Ano pong nangyari?" highblood nanaman sya jusko. Sabagay kailan ba hindi highblood yan. "May nakasagupa akong borona, isang higanteng ibon. At nagtungo ito sa mundo at kailangan ko itong sundan. Bago pa ito makapaminsala sa mundong iyong kinalakihan" what???? Lord another problem???
"eh ano pa pong hinihintay natin? Tara na" napatigil naman ako saglit dahil may naalala ako. "Kailangan pa po pala nung susi sa lagusan" sabi ko kay Ashti Pirena. Ang shunga ko sa part na iyon ah. "Ako na" agad kaming nag-ivictus upang kunin ang susi.
Lumabas kami sa lagusan. Omg this is it pansit nandito na kami sa Mundo ng mga tao!!!! Sinara ko na ang lagusan at itinago ang susi. "Hindi ko pa din batid kung bakit kailangan mong sumama dito Lira. Malalagay ka lamang sa panganib at ako pa ang mananagot sa iyong ama!" Sermon nanaman. "Kayo na rin po ang nagsabi, makapangyarihan yung borona. Hindi naman maaaring kayo lang ang haharap sa kanya noh" sagot ko naman kay ashti. True naman kasi alangan naman sya lang yung humarap don diba.