CHAPTER 2: SIGALOT

154 8 1
                                    

Lahat ay abala sapagkat may inihahandang piging ang mga pinuno ng bawat kaharian upang ipagdiwang ang katatapos lang na pagkakabuo sa kaharian ng adamya. Sa pag aasikaso ng mga sang'gre sa mga lupain ay naisipan na din nilang tayuan ng kaharian ang adamya at nais ni alena na si danaya muna ang mamahala nito katuwang ni nunong imaw at ng iba pang adamyan. Paghahanda na rin  upang matutunan ni adamus ang iba't ibang bagay tungkol sa nananalaytay na dugo sa kanya. Ang dugo ng kanyang ama, si Memfes.

Danaya's POV

kanina ko pa minamasdan si pirena sa pagkat kanina pa sya walang interes sa pag aasikasong aming ginagawa ngayon. Batid ko naman ang dahilan kung bakit sya ganyan.
"Nag away nanaaman ba kayo ng iyong asawa apwe?" hindi ko na nga tinanong si Pirena ngunit itong si Alena ay di napigilan ang sarili. "Napapagod na ako" maikling tugon ng aming panganay na kapatid. "Napapgod? Saan? Sa pagiging ina at asawa o sa pagiging Reyna?" pag uusisa ko naman sa naging tugon nya sa amin.

"Parehas Danaya, napapagod na akong mag alaga ng mga kaharian habang yung mga anak ko ni hindi ko man lang magabayan. Napapagod na akong ipaintindi paulit-ulit sa asawa ko na may sinumpaan akong tungkulin sa buong encantadia na nagiging dahilan kaya akong nawawalan ng oras sa kanila. Ang hirap na paulit ulit kong sinusubukan na ipaintindi sa kanya pero di nya naman ako pinapakinggan" noon akala ko kapag nagmahal si pirena magiging magaan sa kanya ang mamalakad ng kaharian sapagkat may magsisilbing inspirasyon para sa kanya pero kabaliktaran pala. Ngayon iniisip ko, paano kung magkaroon uli ng pagkakataon si Pirena na maging Reyna ng Lireo, ano kaya ang mangyayari  sa kanya at sa pamilya nya?

"Ngayon nauunawaan ko na ang sinasabi ng ating ina. Ganto pala ang mangyayari kapag nagkaroon ng ibang obligasyon ang isang hara liban sa pamumuno sa kanyang kaharian." Bakas ang lungkot sa tono ng pananalita ni Pirena. Di naman namin sya masisisi kung ganyan ang kanyang nararamdaman sapagkat alam naming mahal nya ang kanyang tungkulin maging ang pamilyang binuo nya. "Magiging maayos din ang lahat,Pirena. Ipagdadasal ko kay bathalang Emre at Cassiopeia na maliwanagan na si Azulan" kahit kailan ay napakabait talagang nitong si Alena.

"Salamat sa inyo mga kapatid ko" malambing na sabi samin ni Pirena kaya naman ginawaran namin sya ng mainit at mahigpit na yakap. Sana laging ganito tahimik at nagkakasundo.

Encantadia: Bagong Yugto Where stories live. Discover now