Lira's POV
"Ipinakikilala ko, kilala sa kanyang talino, si Palong." Taray gaya gaya din tong tres aves na ito ah may pa introduction. Kita ko namang pumasok yung isang lalaking mulawin. Infairness cute den. "Si Langay, kilala sa kanyang bilis." ang ganda naman ni ate gurl na pumasok sa eksena. Gaganda ng mga mulawin. "At ang bagong myembro, nagsasanay sa tres aves, si kalaw" eto namang isang ito medyo bata bata pa. Ang cool ah pero feeling ko mas mabilis ako dun sa langay ems. "At ako naman si Banoy, kilala sa lakas" shala naman ng mga toh. "Ngayon, handa na ba kayong makuha ito?" nakakaintimidate naman tong si manong banoy. Parang anytime pwede ka mamatay eh.
"Ako na ang haharap sa pagsubok" rinig kong sabi ni Ashti. Ey tiyahin ko yan. "Patawad diwata,ngunit ang may pakpak lang ang maaaring humarap sa mga pagsubok" ay bad sarap kutusan ah kanina pa sya. "Okay lang yan Ashti. Time to shine naman nila ito" sabi ko kay ashti Pirena dahil mukhang badtrip na badtrip nanaman sya.
"Ano-ano ba yang mga pagsubok na iyan?" tanong ni Almiro. Sa totoo lang para syang si Itay apakatapang."Isa para sa lakas" sabi ni Banoy na sinundan naman ng iba. "Isa para sa bilis" sabi ni ate gandang ibon. "Isa para sa isip" sabi ni smart boy "at isa para sa tiwala" ay iba rin. Labas mga may trust issues HAHAHAH. Nilapitan na kami ni Manong Banoy at mukhang papakawalan na nya kami. Thank you, Lord!
"Ano? Handa na ba kayo?" taray nitong si banoy hindi nauubusan ng tanong. Sinilip ko naman ang mukha ni Ashti mukhang di na talaga sya natutuwa.
______________________________________
Pirena's POV
Dinala nila kami sa isang lugar dito sa kanilang teritoryo. Mukhang dito magaganap ang unang pagsubok. Di ko na alam kung anong gagawin ko pagkat nais ko sana na ako na lamang ang sumabak sa mga pagsubok na ito. Kung may pakpak lang ako ay sisiguraduhin kong mapagtatagumpayan ko ang misyong ito. Ayaw ko lamang na may mapahamak kung sakali lalo pa't humingi lang kami ng tulong sa kanila.
"ito ang unang pagsubok para ng mga mulawin. Ito ang hamon para bilis at liksi." pagpapaliwanag ni Langay. "Ano ho ang kailangan kong gawin?" pagtatanong ni Lawiswis pagkat sya ang lalaban sa pagsubok sa bilis. "Ang lagusang ito ay puno ng sumpit. Bumubuga ng mga nakakalasong bala. Kaya lawiswis kailangan mong bilisan upang makarating sa dulo't masira ang mekanismo" pagpapaliwanag ni Banoy. Ngunit diko talaga mapigil ang aking sarili na makialam pagkat nais kong gawin ang mga pagsubok. "Ang sabi mo'y kailangan ng pakpak sa pagsubok na ito. Ano ang pipigil sa akin na maglaho at makarating sa dulo upang sirain ang mekanismo" pagsisiyasat ko dahil hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi ako maaaring sumama sa mga pagsubok na sinasabi nila. "Subukan mo" maikling tugon ni Banoy. Agad akong pumwesto upang gamitin ang aking ivictus ngunit hindi ko magamit ang aking kapangyarihan kahit anong pilit ko. "Anong nangyayari?" natataranta kong tanong.
"may dahilan kung bakit dito kami nakatira. Walang ano mang kapangyarihan ang gumagana rito" ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit di ako maaaring sumali. Ngunit hindi ko talaga maiwasang mainis pagkat hindi ako makakatulong sa mga mulawin na ito. "Pashnea!"
Nilapitan naman ni Pagaspas si Lawiswis. "Lawiswis, sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo?" tanong nito.
"lawiswis, gusto mo ako nalang ang gumawa?" pagsali ni Almiro sa usapan. Bilib ako sa Haring Almiro nila. Handang ibuwis ang sariling buhay para sa kanyang nasasakupan. Parang si Ybr---- "ako ang pinakamabilis sa atin pagdating sa paglipad" mukhang desidido na talaga si Lawiswis na gawin ang pagubok na ito. "Kailangan mong bilisan ang paglipad lawiswis. Kalaw paandarin ang mekanismo!" Naghagis ng prutas si Banoy at dahil hindi nakokontrol ang bilis ng paglapag ng prutas, natamaan ito ng mga bala. Kaya mas lalong gumuhit sa mukha ng lahat ang takot dahil sa nasaksihan.
Hindi nagpatinag si Lawiswis agad nyang sinimulan ang pagsubok. Nagtagumpay syang masira ang mekanismo nang hindi man lang nagagalusan.
Gumuhit ang ngiti sa aming mga mukha dahil sa natapos na ang unang pagsubok. "Huwag muna kayong magdiwang. May tatlo pa kayong pagsubok"