Certified Fangirl - 9 {Mallshow}

5.3K 68 12
                                    

Happy 182k reads, guys! Thank you so much! :* :)



- Miss A.



—————

Chapter 9 - Mallshow



Kryzelle Chandria's POV



Nagising ako dahil narinig ko na ang malakas na tunog ng alarm clock ko. Time check, 7 AM. Bumangon na ako at naligo. Naaalala ko pa din yung panaginip ko kagabi. Ano kaya yun? Ang gulo. Tsaka bakit blurred ang mukha ng batang babae sa panaginip ko? Tsk. Nakakatakot, tumaas tuloy ang mga balahibo ko sa katawan.



Pagkalabas ko ng banyo, dumeretso na ako sa walk-in closet ko tapos naghanap ng damit na pwedeng suotin dahil may lakad ako ngayon. Nung nakapili na ako, inayos ko ang dadalhin kong bag at dere-deretso na akong bumaba.



"Oh, good morning, kapatid." Halos mapabalikwas ako dahil sa sobrang gulat ng batiin ako ni Kuya.



"G-good morning, Kuya." Nginitian ko siya ng tipid at umupo sa may dining area.



Sinundan niya naman ako tapos umupo sa harapan ko, "What's wrong? Bakit parang wala ka yata sa sarili mo ngayon?"



"N-nothing."



Kumuha ako ng pancake at bacon at nagsimula nang kumain. Napansin ko namang tinitingnan pa rin ako ni Kuya hanggang ngayon.



"Why?"



"Something's bothering you..." Napa-iling iling siya at uminom ng kape, "What is it?"



Bumuntong hininga ako bago magsalita, "Nanaginip ako kagabi, Kuya."



"What? Nanaginip lang? Seryoso ka ba dyan? Eh bakit parang wala ka sa sarili mo ngayon?" natawa pa siya habang nailing-iling.



"It's a nightmare, Kuya. Hindi lang siya basta-bastang panaginip."



Napatigil siya sa pagkain at nabitawan ang mga spoon and fork na hawak niya, "Go on. Tell me something about it."



"It's about a young girl and me."

Certified FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon