Hi guys! Don't forget to vote and leave a comment! Mwa! Ehem, Kryzelle Chandria Bernardo on the side!
- Miss A.
——————-
Chapter 2 - Ivan & Elle
Kryzelle Chandria's POV
"What?! You're going back to the Philippines on the first week of April?! That sucks... big time." Nandito kami sa canteen at kakasabi ko lang kay Ivan yung tungkol dun sa pagbalik namin sa Pilipinas ni Kuya.
"Anong 'it sucks' ka dyan?! Aren't you happy for me?!"
"No it's just that-"
"Yeah, I know. I understand. Palagi ka namang ganyan eh." Okay, time na para ilabas ang tampo effect ko. Tingnan lang natin kung hindi um-effect sa kanya.
"Elle..." tawag niya sakin pero inirapan ko lang siya at nag-cross arms.
"Elle, please. Makinig ka naman sakin..." Hindi ko siya papansinin, bahala siya dyan.
"No, I won't. Babalik na ako sa classroom. Bye!" Hinawakan niya yung kamay ko bago pa ako makatayo.
"Uyy! LQ nanaman kayo?" pang-aasar ng kaklase naming si Zyrus kaya naman tinitigan ko lang siya.
"Eto naman si Kryzelle oh! Nagjo-joke lang naman ako eh." Nag-peace sign pa siya. Aba, akala niya cute siya? Hindi ko na lang siya pinansin tapos bumuntong-hininga na lang ako at humarap kay Ivan na ngayon ay naka-puppy eyes.
"Akala mo kina-gwapo mo na yan?"
"Elle naman eh."
"Ano ba kasi yon?"
"Hep hep! Tama na yan, okay? Kumain na lang kayo." Pinausog ako ni Courtney para makaupo siya sa tabi ko at binigyan kaming dalawa ni Ivan ng tig-isang sandwich.
"Ano nanaman ba kasi yang pinag-aawayan ninyo?" Dumating naman si Asher na may dala-dalang tray ng pagkain at umupo sa tabi ni Ivan.
BINABASA MO ANG
Certified Fangirl
Fanfiction[Property of: Miryl M./suffocatinglove] Naranasan mo na bang pumunta sa crowded mallshows ng idol mo? Yung feeling na hindi ka na halos kumain para lang mapag-ipunan at mabili ang mga stuffs na related sa kanya? Minsan ba, iniisip mo na sana ikaw na...