Ehem, new character ulit, Enrique Gil as Ezekiel Gil! Hindi muna siya lalabas dito sa chapter na 'to pero soon! ;)
- Miss A.
——————-
Chapter 6 - Sorry, Ivan.
Kryzelle Chandria's POV
"I like you, stupid."
H-ha? A-ano daw? G-gusto niya ako? May gusto sakin ang bestfriend ko?
"Ivan..."
"I know, Elle. Alam kong mahirap para sayo ang suklian lahat ng 'to, pero maghihintay ako hanggang sa maging handa ka na." Hinalikan niya ako sa noo at inalalayan niya akong bumaba sa hood ng kotse niya.
"Pero Ivan, ayoko namang magpaasa..."
"Shh." Tinapat niya yung index finger niya sa labi ko pero tinanggal din agad yon, "Hayaan mo muna akong iparamdam sayo kung gaano ka kahalaga sa akin, Kryzelle." Pinatabi niya ako sa gilid at pumasok na siya sa loob ng kotse niya. Dere-deretso naman siyang nagmaneho paalis.
Sa totoo lang, hindi ako na-awkward sa pag-amin niya sakin. Kumbaga, okay lang naman. Pero ayoko pa din naman siyang paasahin dahil malay niyo, kahit anong gawin niya, hindi ko pa rin siya magustuhan diba? Pero mapilit siya eh, wala na akong magagawa.
"Oh, bunso? Bakit nasa labas ka pa? Gabi na ah? Tsaka... tulala ka yata? May problema ba?" nagulat naman ako ng bigla na lang sumulpot si Kuya sa harapan ko.
"A-ah, wala naman, Kuya."
Napatingin naman siya sa may di kalayuan at natanaw niya pa siguro ang sasakyan ni Ivan.
"Galing si Ivan dito 'no? Nag-away nanaman ba kayo? Nako, hindi na normal yan ah. Mukhang napapadalas na yata ang away niyo-"
"Kuya, gusto daw niya ako." Pagpuputol ko sa sinasabi niya kaya naman napatigil din siya sa pagsasalita.
"Ha? Anong gusto? Gustong kainin? Kulamin? Patayin? Ano, Kryzelle? Sabihin mo lang, kahit bestfriend mo yon, papatayin ko yon pag may ginawang masama sayo." Nag-cross arms pa siya kaya binatukan ko na lang siya.
BINABASA MO ANG
Certified Fangirl
Fanfiction[Property of: Miryl M./suffocatinglove] Naranasan mo na bang pumunta sa crowded mallshows ng idol mo? Yung feeling na hindi ka na halos kumain para lang mapag-ipunan at mabili ang mga stuffs na related sa kanya? Minsan ba, iniisip mo na sana ikaw na...