Certified Fangirl - 13 {Best Day Ever}

5.1K 53 12
                                    

Warning: sabaw, hahaha.



Oo nga pala! May official twitter account na si Kryzelle Chandria, Jillian Alexis, at Drix Jared! Please follow them:



@kryzellechands {Kryzelle Chandria Bernardo}

@baldiviajillian {Jillian Alexis Baldivia}

@imdrixpadilla {Drix Jared Padilla}



Thank you, guys!



- Miss A.



—————————

Chapter 13 – Best Day Ever



Drix Jared's POV



[Drix? Are you still there? Uy! Okay lang ba talaga sayo? Bakit natahimik ka?]



Bumalik ako sa katinuan nung biglang sumigaw si Sophie sa kabilang linya, "A-ah, oo."



[Sure ka ha?]



"O-oo. Sige, bye."



She ended the call kaya naman tinago ko na ulit sa bulsa ko yung cellphone ko.



"Pare, sino yung kausap mo?"



Nagulat naman ako ng biglang sumulpot si Baste sa harapan ko, "A-ah, yung kapatid mo. May pinapasabi lang."

 


"Ano naman daw kailangan ni Sophie?"



"M-may niyaya lang daw siya na kaibigan niya na pumunta sa birthday ko sa 26. Tinanong niya sakin kung okay lang tapos um-oo ako."



"Baliw talaga si Sophie. Kung makapagyaya talaga yung babaeng yon akala niya siya ang may birthday." napa-iling naman siya, "Oo nga pala, bakit mukhang gulat na gulat ka ng makita ako?"



"W-wala 'yon!" pumasok na ulit ako sa loob at bumuntot naman sa akin si Baste.



"Sus, alam kong may tinatago ka. Ano nga kasi?"

Certified FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon