Certified Fangirl - 14 {Birthday Party}

5.6K 57 5
                                    

Hi guys! Sorry kung medyo natagalan ang update! Mehehe, so eto na nga! Mahaba na 'tong chapter na 'to dahil bumabawi lang ako sa inyo. Hahaha, enjoy guys! And oh, please wag niyong kakalimutan basahin ang footnote, okay? xx



-Miss A.


—————-

Chapter 14 – Birthday Party



Drix Jared's POV



Nasa daan ako ngayon pabalik sa bahay nila Sebastian. Pagdating ko sa kanila, dumeretso ako sa garden dahil nakita kong nandoon pa ang tropa. Nilabas ko agad ang cellphone ko at nag-log in sa twitter.



I visited Kryzelle's twitter account. Nakita ko din ang mga tweets niya at karamihan don ay puro ako ang naka-tag. Tiningnan ko naman ang 'follow' button tsaka pinindot ito. Ngumiti ako bago itago ang cellphone ko sa bulsa ng cargo pants ko.



"Wow, anong nangyari pagkatapos mo siyang ihatid, pare? Mukhang ang saya mo yata ah!" tinapik pa ako ni Louie sa braso tapos niyaya niya akong umupo sa tabi niya.



Inirapan ko lang siya tapos umiling-iling.



"Malala ka na, pareng Jared. Pag hindi mo sinabi sa amin yang nararamdaman mo, baka mabaliw ka." Umiling naman si Baste.



"Napansin ko din ang pagkagulat mo nung nakita mo siya, Drix." Nag-cross arms naman si Keen at tinitigan ako, "Yung totoo, inlove ka na ba doon kay Kryzelle?"



Inlove?



FLASHBACK



{6 PM}

 

 

Nasa kalagitnaan kami ng pagsho-shoot ng scenes ni Jillian ng bigla kong napansin si Sebastian na pumasok sa tent na pinaglalagian ko. Maya-maya pa, lumabas siya ulit at nang makita niya ako ay sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya.

 

 

"Oh? Bakit? Ako na lang ba ang kulang? Paki-sabi kay Tita Sheryl baka ma-late ako ng konti. Hindi pa kami tapos eh."

 

 

"Alam ko, pare. Nakikita ko." Natawa naman siya sa sinabi niya. Puta, baliw.

 

 

"Eh bakit nandito ka?"

Certified FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon