I

27 1 0
                                    

Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko. Matamlay akong napatingin sa cellphone ko. Halos lumubog na ang araw ngunit wala pa rin akong natatanggap na kahit isang mensahe man lang galing sa kanya.

Hindi naman niya ugali ang ganito noon. Noon ay mahuli lang ako ng ilang minuto sa pagreply ay halos sumabog na ang inbox ko sa messages niya na may kasama pang mga missed call. Nag-aalala daw siya at sobra niya daw akong namimiss.

Dati ay inis na inis ako kapag ganun siya. Ang iniisip ko kasi ay masyado naman ang binibigay niyang reaksyon, medyo nakakainis rin dahil parang obligado pa akong magtext dahil pag di ko ginawa ay may mangungulit na naman sa akin.

Ngunit ngayon ay naging napakalaki ng pagbabagong nangyari sa kanya. Parang hindi na siya ang dating Jake. Madalas ay hinahanap hanap kp rin yung ganoon niyang ugali. Talaga nga namang pag nawala na ang isang bagay ay saka mo lamang ito hahanap hanapin.

Nakakapag-usap lang kasi kami ng matino kapag madaling araw na, yung tipong halos tulog na ang lahat, patay na ang lahat ng ilaw sa bahay at ang tanging nagbibigay buhay na lang sa bahay ay yung screen ng phone ko. Yun lang kasi ang oras na hindi siya busy at wala siyang ginagawa. Kaya nga kahit inaantok at mahapdi na ang mata ko sa kakatipa sa screen ay talagang nagtitiis ako at yun ay dahil sa gustong gusto ko lang siya makausap.

Madalas pa ay matagal ko siyang hihintayin na mag-online para lang sa limang minutong pag-uusap na parang tinatamad pa siya. Para bang sinasagot niya lang ang mga tanong ko at ako naman ay pilit na binubuhay ang usapan. Matapos ay di na siya makakapag-reply dahil nakatulog siya o di naman kaya ay nagpapa-alam rin naman siya pero sobrang pagod at talagang hindi na daw niya kaya.

Naiintindihan ko naman ang mga iyon.

Muli akong lumingon sa cellphone ko at sakto namang umilaw ito. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Mabilis ko itong kinuha, muntikan pa itong mahulog sa sahig sobrang pagmamadali ko.

From: Baby ko ♔

Usap tayo. Hintayin kita sa labas ng bahay niyo.

Malawak na ngiti naman ang agad na kumawala sa mga labi ko. Magkikita na rin kami sa wakas. Sakto at wala si Mama at Papa, pede ko siyang makausap ng maayos at matagalan.

Pinindot ko ang reply button.

To: Baby ko ♔

Sige pababa na ako :)

Nag-ayos lang ako saglit at dali-daling bumaba.

"Babe!" Agad kong sigaw nung makita ko siyang nakaupo sa tabi ng kalsada sa tapat ng gate namin. Di ko mapigilan ang ngiti at mabilis na pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay kakawala na ito sa rib cage ko.

Matamlay at walang gana naman niya akong nilingon. Hindi kaya ay may sakit ang isang ito? Tinitigan niya lang ako kaya naman naisip ko na magsalita na lang ulit. "Pasok ka?" Nilahad ko pa ang kamay ko para isenyas na pumasok siya.

"Wag na. Saglit lang naman ako atsaka baka dumating na ang Mama at Papa mo," Hindi nakalagpas sa pandinig ko ang kakaibang tono sa pasasalita niya. Pupunain ko sana iyon kaso baka pagmulan na naman ito ng di namin pagkakaintindihan kaya minabuti kong wag na lang.

"Ganun ba," Lumapit ako sa kanya at ngumiti. Umupo ako sa tabi niya at nilapit ko ang ilong ko sa balikat niya. Mabilis naman na pumasok sa ilong ko ang napakabango niyang amoy. Ang amoy na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit naaadik ako sa kanya. Kahit ata nakapikit o nakatalikod ako ay makikilala at makikilala ko siya dahil lang sa pabangong ito. "Na-miss kita babe!" Naka nguso kong sabi.

Mag-iisang buwan na kasi kaming di nagkikita at sa Viber at Messenger ko na lang siya nakakausap. Hindi kasi sang-ayon ang parents naming dalawa sa relasyon namin. Magkaiba kasi kami ng relihiyon.

The Chaos Of A BrokenheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon