II

19 1 0
                                    

May kalakihan ang bahay namin. Mahaba ang hagdan namin na nagiging daan papunta sa kwarto ko. Pero ang lahat ng yun ay di ko inalintana ng mabilis akong tumakbo paakyat. Natisod pa ako sa hagdanan dahil sa sobrang malabo na ang paningin ko dahil sa mga luha sa mata ko.

"ATE!" nakasalubong ko pa ang kapatid kong si Gale na tila bagong gising pa at gulat na gulat sa itsura ko. "Ate ok ka lang?" Iniwas ko ang tingin ko sa kanya ngunit pilit niya akong tinitingnan.

"Ano ba Gale!" Nagulat siya. Hindi kasi ako yung tipo ng ate na palasigaw at maangas kaya napabitaw siya agad sa sigaw ko. Gumilid na siya at binigyan ako ng daan.

Pinahid ko lang ang luha ko at agad na tumakbo papunta sa kwarto ko. Nang makapasok ako ay ni-lock ko agad ito.

Hindi ko alam kung bakit sa dami ng gamit ko sa kwarto ay ang picture frame sa tabi ng kama ko ang nakita ko.

Lumapit ako dun. Puno ng pait at sakit. Ang saya namin sa litratong ito. Ito kasi ang first date namin mula ng ligawan niya ako at sa araw rin na iyon ko siya sinagot. Kitang kita ang saya sa mga ngiti niya habang nakaakbay sa akin.

Yung ngiti naming dalawa na hindi lang sa labi nakikita dahil umabot rin sa mata namin.

Kinuha ko yun. "Bakit? San ako nagkulang?" Sigurado akong di ko na makikita ang mga ngiting ito, makita ko man ay hindi na para sa akin. Unti unti ay parang pinipiga ang puso.

Masakit talaga na pagkatapos mong ipaglaban ng napakatagal ang isang relasyon, matapos mong tiisin ang lahat ng hirap ay mauuwi lang pala sa wala ang lahat. Para akong nagwalis matapos ay pinaandar ko ang electric fan. Nasayang lahat ng effort ko.

Napahiga ako sa kama ko. 'Space lang yun Cathy. Space. Baka magkabalikan pa kayo. Wag kang mawalan ng pag-asa! Kaya mo yan!'

'Para lang tong 500 days of summer Cathy. Expectation vs. Reality. Umasa kang magkakabalikan pa kayo at paulit ulit mo lang sasaktan ang sarili mo. Wag kang tanga. Matalino ka!'

Pinikit ko ng madiin ang mga mata ko. Di ko alam kung ano ang paniniwalaan at iisipin ko. Gusto kong umasa pero natatakot akong masaktan. Bobita nasasaktan ka na!

Matuto kang lumaklak ng realidad.

Parang sasabog ang dibdib ko sa sakit. Di ko alam kung anong gagawin ko para gumaan ang loob ko. Nagpaikot ikot na ako sa kama ko at lahat pero ganun pa rin. Humahapdi na rin ang mata ko. Mapagod ka naman sa pag-iyak oh. Pinapatahan ka na ni baby heart.

Alam ko na. Naguguluhan lang siguro si Jake. Kailangan niya lang siguro mag-lie low.

"Ang mga lalaki gusto ka na nilang iwan pero di nila sasabihin. Manghihingi sila kuno ng space para di sila magmukhang masama. Pero Cathy sa isang relasyon walang space space! It's either kayo or break na kayo. And I know na nung hiningi niya yun. That's the end of our relationship."

Hindi ko alam kung bakit pero parang may speaker na tumutok sa tenga ko nang maalala ko yung convo namin ni Chloe, my bestfriend, the conversation with her was maybe 5 years ago? About her first boyfriend.

"Cathy! Nanghingi ng space sakin si JM!" Umiiyak na pahayag ni Chloe.

"Space lang pala akala ko naman break na kayo!" Pagsigaw ko sa kanya. Hello naman kasi first year high school palang kami pero todo ang pagdra-drama niya sa first boyfriend niyang si JM.

"Ang mga lalaki gusto ka na nilang iwan pero di nila sasabihin. Manghihingi sila kuno ng space para di sila magmukhang masama. Pero Cathy sa isang relasyon walang space space! It's either kayo or break na kayo. And I know na nung hiningi niya yun. That's the end of our relationship." Umiling iling na lang ako habang natatawa sa itsura niyang sobrang wasted na kakaiyak. Nakatulala pa siya. Hahahahaha.

Lord, karma na po ba ito sa ginawa kong pagtawa kay Chloe noon? Isinumpa niya po ba ako?

Tama nga siguro sila. You'll never know what love is until you felt it, not until you've done everything for your love and most of all not until you've been broken and hurt.

Kung ilang minuto na akong nakatulala at nagmumuni muni ay hindi ko na bilang. Natauhan lang ako nang makarinig ako ng ilang pagkatok sa pinto ko.

"Ate? Andito na sila Mama at Papa. May dala na silang pagkain. Kakain na tayo." Napaka-malumanay na pagkakasabi ni Gale. Nakaramdam siguro siya na hindi maganda ang sitwasyon ko ngayon.

"Pakisabi masama pakiramdam ko." Hindi ko alam kung pano ko yun nasabi. Hirap na hirap akong magsalita dahil sa patuloy ang pagluha sa mga mata ko.

Hindi na siya sumagot at ilang hakbang niya na lang palayo ang narinig ko. Pinaandar ko ang TV para mabalin sa iba ang atensyon ko. Pero napakamapagbiro ng tahana at Phineas and Ferb ang palabas, paborito naming panoorin. Tinatamad kong inabot ang remote ng TV pero di ko yun makapa kaya naman napabuntong hininga na lang ako.

Maya-maya pa ay may narinig akong ilang katok. "Nak may sakit ka raw?" Sumama ang tingin ko sa pinto. Malambing ka ata ngayon Ma? Tss. Kung di dahil sa iyo, Kung di dahil sa INYO di kami maghihiwalay ni Jake! Kayo ang may kasalanan ng lahat!

"Meron Ma! Ang sakit ng ulo ko po, sobrang sakit!" I lied. Nakakakabang baka sa impyerno ang bagsak ko sa kakasalita ko ng mga kasinungalingan.

"Nak?" Narinig kong lumungkot ang boses ni Mama. Naiyak ako lalo. Close kami nito eh. Sobra. Lahat alam niya. Ultimo convo nga namin noon ni Jake pinapabasa ko lalo na pag sobra akong kinikilig at wala akong masabihan. Sa kanya ko rin unang sinabi ang naging desisyon ko na maging kami na ni Jake.

Gusto kong tibagin ang pader na nandito sa puso ko, gusto kong kausapin si Mama at sabihin sa kanya ang lahat pero napaka-tibay ata ng pader na to at hindi naging sapat na dahilan na mag-isa at nasasaktan ako ngayon.

Si Jake rin ay close sa kanya noon. Madalas pa silang magkamustahan noon. Pero di ko alam kung anong nangyari. Magmula nung nagpahayag siya ng pagkontra sa relasyon namin ay nawala ang closeness. Nag-uusap pa rin kami ngunit di ko masabi lahat. Di ko masabi kay Mama lahat ng nararamdaman ko. Iba na kasi ang sitwasyon.

"Ok ka lang?" Bakas ang pag-aalala sa tono ng pananalita ni Mama.

Bakit ba pakiramdam ko ay mas lalo kong naramdaman ang bigat at sakit ngayong tinanong niya ang kalagayan ko. Siguro dahil di ko rin alam ang sagot. Ok nga ba ako? "Opo," Nagsinungaling ako. Hindi ako okay. Hindi okay sa akin na naghiwalay kami, hindi maganda sa pakiramdam na natapos na ang relasyon namin.

"Sige nak. Baba ka na lang kung nagugutom ka. Andito lang kami ng Papa mo. Sabihin mo pag wala na yang sakit." Kung alam na ni Mama ang sitwasyon ko ay di ko alam. Kung alam niyang hindi lang ulo kundi pati mata at puso ko ay sumasakit na ay di ko alam. Sana alam niya. Sana alam nila lahat ng sakit. Pati si Jake! Sana nararamdaman niya yung sakit. Sana di lang ako ang umiiyak. Sana lahat sila maramdaman to. Ako lang ba ang nakakaramdam ng sakit na ito?

Kung oo man ang sagot ay napaka-unfair nito dahil wala akong ibang ginawa kundi mahalin at intindihin sila, ang pamilya at si Jake. Bakit ako pa ang sinaktan? Bakit ako pa ang iniwan?

The Chaos Of A BrokenheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon