III

10 1 0
                                    

Nagising na lamang ako sa nakakasilaw na sinag ng araw. Kinusot ko muna ang mga mata ko bago ko kinuha ang cellphone ko.

Nagsimula na akong tumipa ng 'goodmorning' message ko para sa kanya.

"I need space."

Paulit ulit komg narinig ang mga sinabi niya. Para akong nabibibingi. Hanggang sa nakita ko na lang na nababasa na ang screen ng cellphone ko sa luhang pumapatak mula sa mga mata ko.

Ilang minuto ko itong tinitigan. Naghihintay na baka sakaling makatanggap ako ng txt mula sa kanya.

Hindi niyo ako masisisi. Hindi naman porket nag-usap kami kagabi ay agad ko ng matatanggap ang lahat. Parang may hangover o jet lag pa ako. Hindi pa ako... hindi pa ako makapaniwala.

Hindi lang naman ako makapaniwala na ang isang taon naming pagsasama ay matatapos sa isang gabi lang.

"Catherine? Kumilos ka na. Male-late ka sa school mo." Tinatamad kong tinitigan ang pinto. Tinatamad akong sagutin si Mama. "Catherine ano na? Bilisan mo naman anak malayo pa ang biyahe mo papuntang Manila." Napabuntong hininga na lang ako. Sigurado akong hindi titigil si Mama sa kakakatok diyan.

"Ma..." Hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang pagsasalita ko. Tinatamad kasi ako. Nanghihina ako. Hinang hina. Pati na rin ang pagtayo ay tinatamad akong gawin. "Gising na po ako." Papasok na lang siguro ako. Magiging mahirap kung maiiwan lang ako dito dahil magmumukmok lang ako at baka wala lang akong ibang isipin kundi ang nangyari kagabi.

"Sige nak ihahanda ko lang ang almusal mo." Tumayo na ako. Parang bumigat ata ang katawan ko. Tumingin ako sa salamin. Nagkamali ata ako ng ginawa. Pano ba naman ang salamin ko ay halos matakpan na ng mga litrato naming dalawa na magkasama. Isa isa ko iyong tinitigan.

Matapos ay tumingin ako sa salamin. Namamaga ang mga mata ko at namumula ang ilong ko. Nagkaroon pa ako ng sipon. Ang buhok ko rin ay napakagulo.

Bakit niya kaya ako iniwan? Dahil ba sa simple lang ako at hindi marunong mag ayos? Dahil ba sa hindi ako kasing ganda ng iba? Dahil ba sa hindi ako sexy? Bakit nga ba?

Dumeretso na ako sa CR at naligo na. Sana lang yung sakit na nararamdaman ko pede kong sabunin at banlawan na lang para mawala na agad yung sakit.

Matapos ay nagsuklay na ako. Nakakatamad mag-ayos. Bakit ko pa aayusin ang buhok ko wala naman ng Jake na maglalaro nito. Bakit ko pa pagagandahin ang sarili ko wala naman ng pupuri dito.

"Ma..." lumingon sa akin si Mama ng nakangiti pero unti unti ring nabura ang mga ngiti niyang iyon.

"Nak? May problema ka ba?" Pagtatanong ni Mama habang lumalapit at dala dala ang fried rice at spam na niluto niya.

"Wala po." Masarap pala ang magiging almusal ko ngayon. Kakain nga ako. Kinuha ko na ang plato at kutsara pati narin ang baso at nagsimula ng sumandok para sa akin.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" Alalang alala na tanong ni Mama. Ayokong mag kwento sa kanila.

"May sakit lang po." Sabi ko habang patuloy sa pagkain. Naramdaman ko na unti unti na namang sumikip ang dibdib ko at uminit ang sulok ng mga mata ko. Hindi to pede! Andito si Mama! Para tuloy tinutulak pabalik lahat ng pagkain na sinusubo ko. Para akong nasusuka tapos sumasakit pa ang ulo ko.

"Daan kang clinic mamaya ha!" Sabi ni Mama habang hinahaplos ang buhok ko. Naiiyak ako lalo Ma! Wag kang ganyan.

Umalis siya sa tabi. Mabuti naman. "Nak allowance mo. Una na ako nak ha may pasok pa ko eh." Maya maya pa ay dumating si Papa galing sa taas.

"Sabay ka na lang sa akin para di na hassle." Sabi ni Papa kay Mama. "Alis na kami. Lock mo na lang ang pinto Cath pumasok na ang mga kapatid mo." Hindi na lang ako sumagot. Ayoko na lang sumagot o makipagpalitan pa ng salita dahil wala akong gana makipag-usap kahit kanino. Hindi ko alam kung tama ba pero isa sila sa mga sinisisi ko kung bakit kami naghiwalay. Kung bakit ako nasasaktan ngayon.

The Chaos Of A BrokenheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon