X

13 0 0
                                    

"Nak?" Mabilis naman akong napalingon kay Mama. Ngumiti siya ng tipid. Ako namn ay binalik ang tingin sa gate namin. Naramdaman ko ang pagbigat ng swing kasing bigat ng nararamdaman ko ngayon. "Di mo ba aasikasuhin ang mga bisita mo?" Napayuko ako.

Maraming bisita pero wala siya doon. Ang bigat sa pakiramdam na ang daming tao sa loob na pumunta para sa akin, para sa kaarawan ko pero hindi ko ma-appreciate ang presence nila. Madaming nagbigay ng regalo pero di ako natutuwa dahil isang regalo lang ang gusto ko, hindi iyon materyal na bagay kaya naman sigurado akong walang makakaisip magbigay nun sakin ngayon.

"Susunod po ako," tumingin ako kay Mama at pinilit na bigyan siya ng ngiti. Isang ngiti na kahit ako mismo nahirapan akong tanggapin. Akala ko okay na ako pero hindi pa pala. Akala ko okay kami sahil nagkausap na kami pero hindi pa rin pala.

Binuksan ko ang phone ko. Napuno ng notifications ang FB ko. Puno ng pagbati mga facebook friends ko ang wall ko. Yung iba naman text at DM sa twitter. Di ko mahanap ang pangalan ng nag-iisang taong magpapangiti sakin pag nakita kong binati niya ako.

Pupunta pa kaya siya? Sana... sana... sana... pag pumunta siya dito ibig sabihin lang non ay may pake pa siya sa akin. May concern pa siya. Gusto niya pang maayos to. Matutuwa talaga ako. Sana...

"Pupunta ba sila Timmy dito?" Napalingon ako sa pinto ng bahay namin at doon nakasandal si Chloe sa amba ng pinto habang may hawak na platong may laman na cake.

"Sauce! Nahiya pa. Itanong monna kung pupunta ba sila Liam hahahaha!" Tumatawa si Misha. Ako naman ang natatakot kasi baka matapon yung hawak niyang baso na puno ng Coke.

"Lul! Shatap Misha," seryoso si Chloe na sinasabi yun habang nakatingin sa tinidor niya. Binalik ko na lang ang tingin sa gate. Manggugulo lang sila dito. Sigurado akong inutusan sila ni Mama.

"Ang sarap talaga ng pansit ni Tita," ilang saglit lang ay bumigat ang swing kaya napalingon ako at nakita ko si Daine na nakangisi habang hawak ang tiyan niya.

"Regalo ko?" Pinipilit kong tanggalin ang tamlay at disappointment sa mukha ko.

"Tagal na nating magkakaibigan di na uso yan!" Sabi ni Chloe na dinidilaan pa yung tinidor na puno ng icing. Umiling na lang ako habang nakangiti.

"Umaasa ka noh?" Mabilis naman akong napalingon kay Daine at umiling.

"Baliw! Ano bang aasahan ko dun! May iba na nga siya diba?" Umiiling ako habang ngumingiti. Sige Cathy plastikin mo ang mga kaibigan mo at kumbinsihin mo ang sarili mo.

Tumango tango naman si Daine. "Andyan na pala sila Jake eh!" Sigaw ni Misha na mabilis na nagpalingon sa akin sa gate pero wala naman doon sila Jake. Binalik ko ang tingin sa kanila. Si Daine ay sumisipol sipol na halata namang nang-aasar habang si Misha ay iniinom yung Coke niya.

Lumapit si Chloe at inagaw ang Coke ni Misha. "Kaya ka nasasaktan kasi..." ininom niya muna yung Coke bago magsalita muli. "Asa ka ng asa. You are expecting too much from that person who keeps on disappointing you,"

I rolled my eyes. "Wag na natin tong pag-usapan napapagod na ako,"

"Pagod ka na pala eh bakit ka pa nandyan? Pagod ka na palang masaktan eh bakit di ka umusad? Ikaw lang ang makakasagot sa mga tanong mo eh. Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo," nagkatitigan kami ni Chloe sa mata. Nauna akong umiwas.

"Please... pwede bang bayaan niyo muna ako?" Bumuntong hininga si Daine at si Chloe naman ay umiiling kitang kita ang disappointment sa mukha niya si Misha ay yumuko na lang.

"Cathy you have to understand, ayaw lang namin na nakikita kang ganyan," tumango tango na lang ako para matapos na to. I just want to be alone. Just me with the pain.

Kung ito naman ang dapat, kung dapat kong damhin ng damhin ang sakit hanggang maging manhid para mawala na to then gagawin ko. Kung kailangan kong masaktan para matuto so be it pero gusto kong mapag-isa. Ayokong may ibang makakakita how worse I can get.

Naramadaman kong umalis sila at mag-isa na lang ako. Tumingin ulit ako sa gate kung natutunaw lang ang gate sa tuwing tititigan ito malamang kanina pa ito tunaw. Bawat segundo na hindi pa siya dumadating, bawat segundong lumilipas na nakatitig ako sa gate at walang pumapasok ay parang karayom na tumutusok sa puso ko. Patagal ng patagal ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko kasabay ng pag-upos ng pag-asa ko.

Pag natapos ang araw na to nang hindi siya dumadating ay kailangan ko ng patayin lahat. Papatayin ko ang pagmamahal at pag-asang sumisilip sa puso ko.

Umaambon. Inangat ko ang kamay ko para saluhin ang ilan sa mga patak ng ulan. Ang lakas ng ulan, parang nakimiramay sa nararamdaman ko.
~~

Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Hindi pa pala ako nakakapagbihis. Nakatulugan ko ang lahat. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko pero wala akong nakitang kahit anong may kinalaman sa kanya. Tapos na nga ang lahat.

Ni hindi man lang ako binati. Bakit siya ganun? Wala naman akong ginawang masama sa kanya ah. Dati lang ay inaabangan niya pa ang mag-alas dose para lang batiin ako pero bakit ngayon di niya magawa na magtype ng kahit dalawang salitang 'happy birthday' lang. Di naman na ako umaasa ng mahabang message na kagaya ng dati eh. Kahit dalawang salita lang, kahit walang regalo.

Nagagalit ako sa kanya. Pigilan ko man ay nilalamon ng galit ang puso ko. Galit sa mga inaasal niya ngayon. Galit dahil hindi niya na ako magawang itrato na kagaya ng dati. Galit dahil mahal ko pa siya pero siya parang wala ng pakealam sa akin.

Inaalala ko lahat ng ginawa ko para sa kanya at lahat ng di ko nagawa para sa kanya at alam ko naman na nagkaroon rin ako ng pagkukulang kaya naman nagagalit rin ako sa sarili ko.

Would things be the other way around kung di ko ginawa yung mga bagay na di niya gusto? Kaya niya ba ako iniwan dahil nilunod ko siya sa pagmamahal? Masyado ba akong naging mapaghanap ng atensyon?

Napasabunot ako sa sarili ko sa sobrang frustration. Bakit ba patay na patay ka sa lalaking yun? Una sa lahat di siya kagwapuhan te! Maraming mas gwapong nilalang sa school mo! Di rin sila ganun kayaman! Mas mahal ang tuition sa PIU kaya for sure kung mag-aaral kang mabuti marami kang makikilala na mas mayaman kesa sa kanya. Eto pa eto! Tingnan mo yung wall niya sa FB pag may lakad sila ng barkada niya yung damit niya halos paulit ulit lang! Diba pangarap mong magkaroon ng wardrobe na kagaya ng kay Khloe K? Pano ka niya mabibigyan nun kung di siya mayaman at siya mismo walang wardrobe na maganda.

At higit sa lahat... di siya naging loyal sayo. Di niya napanindigan yung mga salitang 'IKAW LANG' 'MAMAHALIN KITA FOREVER' 'DI KITA IIWAN' 'AALAGAN KITA AT DI KITA SASAKTAN' asan ang mga salitang yan Cathy? Darating yung lalaking para sayo kaya bitawan mo si Jake dahil napaka wala niyang kwentang klase ng lalaki! Binola ka lang niya at kagaya ng lahat ng babae nagpabola at nagpakatanga ka naman.

Masakit talagang aminin na pagkatapos mong maniwala sa lahat ng sinabi niya ay matutuklasan mong prank lang pala ang lahat.

Nagtataka ka ba kung bakit bigla siyang nagbago sayo? Ginawa ka lang kasi niyang libangan, nagsawa na siya sayo kaya naghanap na siya ng ibang babalingan niya ng atensyon niya. Na-bored siya sayo dahil napaka-plain, simple at napaka-walang kwenta mong klase ng girlfriend. Tingnan mo si Bianca. Ang ganda niya at mukha pa siyang mabait, see? Lagi mo kasing inaaway si Jake dati.

Yung mga maliit na bagay ay pinapalaki mo, palagi kang nagtatampo at nagpapalambing. Akala mo normal yun sa lahat ng babae pero di siya ang lalaki para sayo. Di niya kayang tiisin ang mga topak at mood swings mo. Masakit mang aminin pero sabay kayong nangarap, sabay kayong nagplano ng future pero hindi ibig sabihin nun ay sabay na ninyo itong tutuparin. Tutuparin niyo ang mga plano at pangarap niyo pero kasama na ang iba.

Yung ibang nararapat para sa inyo.

And again I closed my eyes.

The Chaos Of A BrokenheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon