VII

7 0 0
                                    

"Tulala ka na naman," sabi ni Chloe habang nilalapag ang kape sa lamesa ko.

"I'm sorry," sabi ko sa kanya habang hinahawakan ang kapeng binigay niya. Dalawa palang kami kasi wala pa si Daine at Misha.

"For?"

"For being a weakling," ngumiti lang siya at tumingin sa glassboard sa harap namin.

"Edi sorry din?" Natawa pa siya. "Lahat naman tayo magdadaan dyan. Dati nga ikaw pa ang nag-aalaga sa akin kapag nalalasing ako eh. Seems fair?" Tapos ay ininom niya ang kape matapos ay umiiling.

"Anong sunod sa Denial?"

"Mararamdaman mo na lang yun," tumingin siya sa akin. "Diyan sa denial stage mo maalala lahat. Lahat ng pinagdaanan niyo lahat ng bagay magpapaalala sa kanya. Alam mo yung parang may hang-over ka pa sa break up niyo," she said while grinning.

"Wala bang expresse lane? Ayoko nitong unti unti, masakit masyado," napayuko na lang ako habang umiiling. Pinipilit kong isipin na sa pag iling ko hindi tutulo tong luha sa mga mata ko.

"Kung may express lane pano ka matututo? Alam mo kung bakit masakit at mahirap mag move-on? Ginagawa yan para madala ka. Para sa susunod na magmamahal ka at iibig ka mag-iisip ka na kasi alam mo na kung gano kahirap at kasakit masaktan at sa susunod na mamahalin mo sisiguraduhin mo na na di mo na mararanasan yan," inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang pagtango niya habang nakatanaw sa malayo.

"Chloe bakit ikaw? Bakit kahit ilang beses ka na nasaktan parang di ka naman nadadala," natatawa tuloy ako. Si Chloe kasi yung tipong ng babae na pag nagmahal lahat lahat binibigay kaya kapag naiiwan walang natitira.

"Cause you don't give up on love. Malaki ang faith ko kay Love,"

"Seryoso ata kayo ah!" Tumatawang sabi ni Daine habang palapit sa amin.

"Ang tagal niyo kasi!" Sigaw ni Chloe tapod ay tumayo na siya. Naglakad na kami pabalik sa room nang may nakabangga ako.

"Catherine!" Pinulot ko muna yung mga papel ko na nahulog. Leshe naman! Pag tayo ko naman

"Timmy!" Ilang buwan din kaming di nagkita nitong si Timmy kaibigan to ni Jake, malapit na kaibigan. "Dito ka na nag-aaral?" Nakakagulat lang na nag-aaral siya dito, dun kasi siya dati nag aaral sa school malapit sa amin di ko akalain na lilipat siya sa isang school na andito sa University belt.

Kinamot niya ang batok niya na parang nahihiya. "Ah...eh...Oo eh,"

"Naks naman!" Kinalabit ako nila Chloe na parang nagsasabing mauuna na sila sa room tumango na lang ako.

"Ah...Cath...Pasensya na," napakunot naman ang noo ko.

"Ha? Bakit naman?"

"Break na daw kayo ni Jake eh," ilang saglit akong natigilan habang siya nakayuko lang. Sa totoo lang di ko gusto na makipag usap sa kahit na sinong mag papaaalala lang sa akin sa kanya. Di pa ako gaanong handa.

Pinilit kong ngumiti ng masaya. "Ano ka ba! Bakit ka nagso-sorry?" Tumawa pa ak para pagaanin ang loob naming dalawa.

"Sorry kasi sasabihin ko to. Kalimutan mo na siya Cath. Kalimutan mo na ang relasyon niyo sa tingin ko kasi may iba na siyang nakilala at..." saglit siyang natigilan at bakas ang pagaalinlangan sa kanyang mukha.

"Ayokong masaktan ka lang niya. Kaibigan ko siya pero kaibigan rin kita at di tama kung masasaktan ka lang." Matagal ko pa siyang tinitigan. Bumibilis ang tibok ng puso ko at parang nanginginig at nanlalamig ang kamay ko. Para akong binuhusan ang malamig na tubig. Di ko alam kung ano ang dapat kong sabihin eh.

The Chaos Of A BrokenheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon