XIII

5 0 0
                                    

Dahan dahan akong tumayo mula sa pagkakaluhod at umupo na sa umupuang nasa likod ko.

Ilang saglit pa ay tumunog na ang kampana. "Humayo kayo at ipalaganap ang mabuting balita mula sa Diyos," sigaw ng paring nasa altar. Unti unti ay lumabas na ang mga tao sa simbahan.

Ito na ata ang huling misa para sa araw na ito. Suot ko pa ang uniporme ko ay dumeretso agad ako sa simbahan na ito. Malapit lang ito sa bahay namin at ang katabi ng simbahan na ito ay ang kapilya ng relihiyon nila Jake.

Tumingala ako sa altar. Kaharap ko ngayon ang isang krus na nasa gitna ng altar. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga.

I know the break up was partly my fault too. We both made our own mistakes that made the relationship tore apart.

Lahat naman ng relasyon nagkakamali sadyang marunong lang talagang magpatawad ang iba.

I even considered converting my faith for him. This was all wrong. From the very start of the relationship we were both warned but we didn't listen. What could have happened if we hadn't been together?

Kung sinabi ko kaya sa kanya na hindi okay sakin na busy siya palagi nagbago kaya siya? Pakiramdam ko ay isa rin yun sa pagkakamali ko.

Patuloy kong sinasabi na okay at kaya ko naman kahit na hindi talaga iyon ang nararamdaman ko. Sinsabi kong naiintindihan ko ang lahat ng mga pangyayari kahit na ang totoo ay ako mismo ay nagtataka at nalilito kung ano ang pinagkakaabalahan niya.

Kung nagusap kaya kami ng maayos magkakaganito ba kami? Kung pinilit ko kayang magkita kami palagi nung bakasyon manlalamig pa rin ba siya?

Ang daming tanong ang gumugulo sa isipan ko. "Tulungan mo ako," bulong ko. Ako lang naman ang tao dito kaya naman masosolo ko Siyang makakausap.

"Kahit anong kapalit pa. Tulungan mo ako na makalimot," mabilis kong pinahid ang luhang kumawala sa mga mata ko. "Lagi naman akong nagdadasal at alam kong alam mo na kahit magkaiba kami ng relihiyon at dinala niya ako palapit sayo. Pinalakas niya ang pananalig ko sayo. Pinaniwala niya akong totoo ka dahil binigay mo siya sa akin," pumiyok ang boses ko sa huling sinabi ko.

"Kung di naman pala siya sa akin bakit Mo pa kasi binigay? Bakit Mo pa binigay sakin kung papatayin lang pala ako sa sakit?" Ang mga hikbi ay di ko na napigilan sa paglabas. "Kung sakin siya ibigay Mo na. Kung hindi naman tulungan mo akong makalimutan siya kasi di ko man sabihin nahihirapan na ako. Kailangan ko na talaga ng tulong Mo,"

Napatakip ako sa mukha ko. "Papatayin," napahinto ako sa paghikbi. "We die several times in our lives," napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang isang lakaking may buhat na gitara sa likod niya. "Know how?" Napakunot ang noo ko, kung dahil ba sa random question niya o dahil sa namumukhaan ko siya ay ewan ko.

Binalik ko na lang ang lingon ko sa harap at kinalkal ang bag ko para hanapin ang panyo ko. "Heart breaks," halos mapatalon ako dahil binulong niya sa akin yun. Lumingon ako sa kanya at ilang sentimetro na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. "We die several times in our life because we trust our hearts to some strangers who, we believe, will love us. Little did we know they are killers. They'll kill us,"

I just rolled my eyes. He's weird. "But we also live several times after the deaths we had," naglalakad na siya para makapasok sa mahabang upuan na meron dito sa simbahan. Tinanggal niya ang gitara sa balikat at umupo sa tabi ko. "When we fall in-love," ngumiti siya.

Siya si Mr. MU. Yung engineering na palagi kong nakakasabay. The dimples and braces are just unforgettable. "Quinn nga pala," bakit parang ngayon ko lang pansin na pansin ang mga bagay bagay tungkol sa kanya. At halos di ko na rin maaalala kung kailan ko siya huling nakasabay.

The Chaos Of A BrokenheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon